KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Duterte, dapat ng makialam sa MRT

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila’y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran…” (Isaias 55:7, Bibliya).

-ooo-

“NANABOTAHE SA MRT, WALA NG KARAPATANG MABUHAY PA”: Kung sabotahe nga ang pagkakahiwalay ng isang bagon ng MRT mula sa iba pang mga bagon ng tren, gaya ng sinasabi ni Undersecretary Cesar Chavez ng Department of Transportation (DOTr), makakabuting itigil na nga pansamantala ang mga biyahe ng MRT at isailalim muna ang mga bagon nito sa masusing inspeksiyon.

Ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng mga daan-daang libong mananakay ng MRT ang nakataya sa bawat biyahe ng mga bagon. Kung hindi iinspeksiyunin ang mga bagon at hindi muna ititigil ang operasyon ng mga ito, baka magkamatayan ng marami kung magkakaroon ng mas matinding aksidente sa MRT.

Ganundin, kailangang makilala agad ng DOTr ang mga sangkot sa pananabotahe ng mga bagon ng MRT. Dapat tanggalin agad ang mga ito sa serbisyo, sampahan ng kasong katiwalian, at tiyaking hindi na sila makakapasok pa sa anumang posisyon sa pamahalaan. At kung may record na sila ay lulong din sa shabu, i-tokhang na sila, sabi ng barbero ko, kasi daw ay wala silang karapatang mabuhay pa.

-ooo-

DUTERTE, KAILANGAN NG MAKIALAM SA MRT: Ganito naman po ang panawagan na inilabas sa Facebook ng peryodistang si Rolly T. Carandang sa Pangulong Duterte ukol sa problemang ito ng MRT: “Ang Pangulong Duterte na ang kailangang personal na kumilos sa nakapaseryosong problema sa MRT na hindi talaga nakayanang lutasin ng kanyang ka-klaseng valedictorian, si DOTr Secretary Art Tugade.

“Lumilitaw, walang kakayahan si Tugade upang tugunan ang problema sa MRT. Tunay nga, ang perhuwisyong problema ng MRT ay namana lamang mula sa gobyernong Noynoy Aquino, but hindi na makatuwirang patuloy na lamang sisihin si Aquino sa mga aberyang nangyayari sa kasalukuyan…

“Sa aking tingin, kailangan ng balasahin ng Pangulo, di na lamang ang pamunuan ng MRT, kundi pati na ng DOTr, kasama na si Sec. Tugade.  Kung kinaya ng Pangulo ang mga terorista sa Marawi City, walang dahilan upang hindi niya kayanin ang pagsasaayos ng MRT…” Mukhang may punto si Rolly, di ba Ginoong Pangulo?

-ooo-

ALAM BA NINYO KUNG PAPAANO LUMAPIT SA DIYOS? Sa mga kaguluhang nangyayari sa kapaligiran ng bansa sa ngayon, wala na talagang masulingan, kumbaga, ang mga Pilipino upang mapaglabanan nila ang mga kasawiang dumadating sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Hindi sila makalapit sa mga nasa gobyerno lalo na kung hindi naman nila kakilala o kaalyado ang mga nakapuwesto.

Hindi din sila makalapit sa mga pribadong tao, dahil sasabihin ng mga ito na wala naman silang tungkuling tumulong sa iba, at, sa halip na magbigay sila sa kapwa, sa mga malalapit na lamang sila tutulong. Sa ganitong sitwasyon, isa na lang talaga ang malalapitan nga mga sawimpalad na tiyak magbibigay sa kanila ng masaganang pagtulong—ang Diyos.

Basahin po natin ang paniniyak ng pagtulong ng Diyos, sa Awit 46:1-3: “Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay, kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal…” Ang tanong lang, alam ba ninyo kung papaano lalapit sa Diyos?

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here