KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Katiwalian, patuloy sa ilalim ng Duterte gov’t

INSPIRASYON SA BUHAY: “
 Sa gitna ng lunsod na wasak nang tunay, naghahari pa rin ang katiwalian; pati pang-aapi ay nasasaksihan
” (Awit 55:11, Bibliya).

-ooo-

PILIPINO, WALANG IBANG DAPAT SISIHIN KUNDI ANG SARILI SA MAHIRAP NA BUHAY: Wala na ngang maaaring sisihin pa ang mga Pilipino sa ngayon sa kanilang mahirap na buhay kundi ang kanilang mga sarili, dahil na rin sa mga matitinding problema nila sa kanilang pansariling karakter, pag-iisip, at pag-uugali.

Wala na silang mabuting asal, wala na silang magandang gawain, wala na silang takot at pag-ibig sa Diyos. Nakasanayan na nila ang ganitong kasamaan, kasama na ang paghimok sa katiwalian at korapsiyon ng kanilang mga pinuno, upang maipagpatuloy lamang nila ang ugali nilang lumalabag sa kahit na pinakamaliliit na batas.

Gaya na lamang ng batas na nagbabawal magbaba at magsakay ng mga pasahero sa mga lugar na hindi itinakda upang maging babaan at sakayan ng mga autoridad. Noong halos alas 7 ng umaga noong Nobyembre 20, 2017, sa kanto ng EDSA at Shaw Blvd. sa Mandaluyong City, nasaksihan ko ang paglabag na ito noong hulihin ng isang enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isang bus sa “no loading/unloading zone.”

-ooo-

KATIWALIAN, PATULOY SA ILALIM NG GOBYERNONG DUTERTE: Alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng konduktor ng bus? Kahit na alam niyang  nakatingin sa kanya at sa enforcer ang maraming tao, ipinagpilitan ng konduktor ang pagbigigay ng pera sa enforcer para lamang sila palusutin na. Sa galit ng enforcer, itinapon nito ang pera sa kalsada at tinuluyan ng tiket ang bus.

Tunay nga, maraming mga opisyales at pinuno sa gobyerno ang sertipikadong korap at magnanakaw, pero lumilitaw na ito ay bunga na din ng pagiging korap at tiwali din naman ng maraming Pilipino, mapa-mayaman o mapa-mahirap. Sa bansa natin ngayon, isang katotohanan na ng buhay ang katiwalian at korapsiyon, sa pamahalaan o sa pribadong sektor man, kahit pa si Pangulong Duterte na ang presidente.

Kung nais ninuman na makipag-transaksiyon sa gobyerno, kahit na yung pagbubukas lamang ng maliit na negosyo, kailangang maglagay sa lahat ng mga daraanan ng mga papeles, kundiman upang mapabilis ang pagkuha ng mga lisensiya, ay upang makatiyak na hindi tatanggihan ang aplikasyon ng nagnanais magnegosyo.

-ooo-

KAWALAN NG KATARUNGAN, INIREREKLAMO NG MGA PINOY: Patuloy din ang reklamo ng maraming Pilipinong mahihirap o malilit ang katayuan sa buhay na sila ay pinagkakaitan ng katarungan. Dalawa pa din ang antas ng pakikitungo ng lahat ng ahensiya ng gobyerno sa mga tao—isang antas para sa mga mayayaman, makapangyarihan, at maimpluwensiya, at ikalawang antas para sa mga mahihirap.

Itinuturo ng marami ang halimbawa ng mga malalaking tao na nasasangkot sa mga krimen, kung saan nabibigyan ang mga ito ng special treatment sa pamamagitan ng mga malilinis na kulungan, gaya ng halimbawa ni Sen. Leila de Lima na ang kaso ay ilegal na droga, ng mga Russians na nakahabla ngayon sa droga din, at ni dating Sen. Bong Revilla (at nina dating Senador Juan Enrile at Jinggyoy Estrada).

Nababahala din ang ilan sa kapalaran ng mga nasasangkot sa droga—kung mahirap ang suspek, kahit sachet lang ang dala, napapatay na agad samantalang yung smuggling ng P6.4 bilyong shabu sa Bureau of Customs, ang mga matataas na opisyales doon ay ni hindi pa nakukulong man lamang. Kelan kaya magkakaroon ang Pilipinas ng tunay na pagbabago?

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here