KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga nagpulong sa global warming

sa Germany, bulag at bingi

INSPIRASYON SA BUHAY: “Kung makikinig lamang kayo sa tinig ng Diyos at susunod sa Kanyang mga utos…mapapasainyo ang lahat ng mga pagpapalang ito… Bubksan Niya ang langit at padadalhan Niya kayo ng ulan sa kapanahunan at pagpapalain Niya ang lahat ng inyong gagawin…” (Deuteronomio 28:1-2 at 9, Bibliya).

-ooo-

MGA NAGPULONG SA GLOBAL WARMING SA BONN GERMANY, BULAG AT BINGI: Kumbinsido ang maraming mga bansang dumalo sa pulong sa global warming na nagtapos sa Bonn, Germany noong Sabado, Nobyembre 18, 2017, na wala ding biyayang idinulot ang tinaguriang Paris Agreement sa ikabubuti ng kapaligiran. Kasama ang Pilipinas sa nag-akda ng Paris Agreement, at sa pulong sa Bonn, Germany.

Ayon sa mga ulat, nagpapatuloy ang pagtaas ng temperatura sa maraming lugar sa daigdig, at patuloy na umiinit ang kapaligiran, sa kabila ng mga pangako ng maraming mga bansa noong kanilang lagdaan ang Paris Agreement na babawasan nila ang paggamit ng mga materyales na siyang ugat ng global warming gaya ng coal at fossil fuel.

Sa akin lang, wala ng bago sa ulat na ito. Mula noong mag-umpisang magpulong ang mga dalubhasa sa kalikasan, wala pa silang naitakdang epektibong solusyon sa global warming. Simple lang ang dahilan nito: bulag at bingi ang mga pantas na nagpupulong sa tunay na dahilan ng global warming.

-ooo-

MAHALAGANG ISYU SA CLIMATE CHANGE NA AYAW PANSININ: Bulag at bingi ang mga pantas at mga siyentipiko sa global warming kasi ayaw nilang pansinin ang katotohanang may anggulong espirituwal ang problema ng kalikasan.  Sa sobrang dunong ng mga lumalahok sa mga pulong sa kalikasan, pati na ang mga galing ng Pilipinas, nabulag at nabingi sila sa mahalagang isyu ng global warming.

Ano ang anggulong espirituwal ukol sa global warming na tinutukoy ko? Makikita ito, una, sa Deuteronomio 28:22-23 ng Bibliya ng mga Kristiyano, na ganito ang sinasabi: “… Padadalhan kayo ng Panginoon ng… nakakasunog na… tag-init at tagtuyot… Ang langit sa inyong ulunan ay magbabaga sa init, at ang lupang inyong tinutungtungan ay magiging sintigas ng bakal…”

Makikita din ito, pangalawa, sa mga pahayag ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas,  sa Mateo 7:24-27. Ayon kay Jesus sa mga talatang ito, darating ang ulan, baha, at hangin, at magdadala ng pinsala at kamatayan sa marami. Sa banta sa Deuteronomio 28 at sa Mateo 7, may iisang dahilan kung bakit magkakaroon ng global warming at climate change.

-ooo-

PAGBABALIK NG TAO DIYOS, SOLUSYON SA GLOBAL WARMING: Ano ang dahilang ito kaya iinit ang temperatura, na magdadala ng mga ulan, baha, at hangin sa daigdig? Ang pagtalikod ng tao sa Diyos, na ipinapakita ng hindi na pagbabasa ng Bibliya at ng hindi na pagsunod ng mga tao sa mga kautusan ng Panginoon.

Bunga nito, aking ipinapanukala noon pa na kasabay ng mga suhestiyon ng mga dalubhasa sa kapaligiran, magkaroon din dapat ng totohanang pagkilos ang mga pamahalaan ng mundo na ibalik ang kanilang mga mamamayan sa pakikinig sa Salita ng Diyos at pagsunod sa Kanyang mga utos.

Kung ang dahilan ng global warming ay ang pag-ayaw na ng tao na makinig sa Salita ng Diyos at ang di na nila pagsunod sa Kanyang mga utos, tiyak na ang makakalutas sa mainit na temperatura ay ang muling pakikinig at pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ang panalangin ko’y sana mabasa ito ng mga bansang ang mga lider ay mananampalataya.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here