KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=’18’ font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Mga kongresista, nilabag ang sariling batas sa Sereno case

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Panahon na upang kayo ay kumilos Panginoong Diyos, sapagkat ang nilalabag ang inyong mga kautusan…” (Awit 119:126, Bibliya).

-ooo-

MGA KONGRESISTA, NILABAG ANG SARILING BATAS: Sabi ko na eh. Ang proseso ng impeachment sa Kongreso ay hindi talaga nakabatay sa batas, kundi sa padamihan lamang ng bilang mga mambabatas na boboto. Ipinakita ito sa hearing ng Justice Committee sa mababang kapulungan noong Miyerkules, 22 Nobyembre 2017.

Ayon sa Rules on Impeachment ng Kamara de Representantes, may karapatang magtanong ang isang opisyal na ipina-i-impeach sa mga nagsampa ng impeachment complaint laban sa kaniya.

Ito ang lumilitaw na pinagbatayan ni Chief Justice Maria Lourdes Aranal Sereno sa hiling niya at ng mga abogado niya na ma-cross examine si Atty. Larry Gadon, ang abogadong nagsampa ng impeachment laban sa kanya. Ang problema, nilabag ng Justice Committee mismo ang sarili nilang batas, at ipinagkait ang cross-examination kay Gadon ni Sereno.

-ooo-

PAGLABAG SA MGA BATAS, SUMISIRA SA DEMOKRASYA: Ang ganitong sistemang ipinaiiral sa Kamara de Representantes at maging sa Senado—padamihan lamang ng bilang ng kakampi o kalaban ng opisyal na pinapatalsik sa impeachment—ang sumisira sa demokrasya at kapangyarihan ng batas.

Ipinakita ng naging desisyon noong Miyerkules ng Justice Committee ng Kamara na pupuwede palang baliin at balewalain ang mga reglamento, basta bumoto ang mayorya sa mga mambabatas sa pagbali at pagbalewala.

Hindi pala mahalaga ang mga batas na naiakda na sa ngayon. Ang mahalaga pala ay kung kakampi o kalaban yung nagpapairal ng batas. Sa kabuuan, hinihikayat ng ganitong sistema ang anarkiya sa bansa sapagkat maeengganyo ang mga tao sa iba’t-ibang antas ng lipunan na huwag ng panghawakan ang batas.

-ooo-

SC, MAY KAPANGYARIHAN PAKIALAMAN ANG IMPEACHMENT: Hindi ako magtataka kung idudulog ng kampo ni Sereno ang naging pasyang iyon ng Justice Committee sa Korte Suprema. Maliwanag kasi ang isyu—pupuwede bang balewalain ng Justice Committee and reglamento ng Kamara, lalo na kung ang reglamento ay hindi lang naman ang komite ang nag-akda kundi ang buong plenaryo?

Oo naman, sinasabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez at ng kanyang mga kongresistang alipores na walang karapatan ang Korte Suprema na makialam sa mga proseso ng mga mambabatas. Pero hindi po ayon sa Saligang Batas ang pananaw na iyon ng Speaker, na isa pa namang abogado.

Sa ngayon kasi, may kapangyarihan na ang Korte Suprema na pakialaman ang lahat ng mga pagkilos ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang ehekutibo at lehislatura, kung makikita ng mga mahistrado na umabuso ang mga opisyales sa kanilang mga tungkulin. Ang tawag sa kapangyarihang ito ng Korte Suprema ay judicial power, at itinakda ito sa Section 1, Article 8, ng Saligang Batas ng 1987.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here