Aling Sonia ng Las Piñas Nakakaskas ng suwerte, P77K ang Premyo

Isang matinding kaskas ang nagdala ng biyaya kay Sonia Naparam, isang vendor mula sa lungsod ng Las Piñas, matapos siyang manalo ng P77,000 sa Red Hot 7 Scratchit noong Setyembre 8.

Ayon kay Aling Sonia, hindi siya palaging bumibili ng ticket, ngunit napabili siya sa Pavilion Mall at doon nga kumislap ang kanyang suwerte.

“Masaya nga ako nang nalaman kong panalo pala ako,” tuwang-tuwa pang sabi niya.

Ang napanalunan ay idadagdag niya bilang puhunan sa kanyang pagtitinda, bagay na tiyak na magpapalaki sa kanyang kita.

Nagpasalamat siya sa Scratchit, aniya’y biyaya ito sa mga nangangailangan. Ang kanyang payo sa iba: “’Wag manghinayang, kumaskas lang baka kayo na ang susunod na pagpapalain ng swerte.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here