
“I want to see what happens if I don’t give up.” — Jane Marczewski
SA HULING bahagi ng pelikulang Mission: Impossible—The Final Reckoning, maririnig ang huling mensahe ni Luther, isa sa mga miyembro ng MI team ni Ethan. Si Luther ay naging biktima ng masalimuot na plano ng isang AI na nagngangalang The Entity.
Sa umpisa pa lang ng pelikula, ipinadama na sa mga manonood na sadyang imposibleng pigilin ang planong nuclear Armageddon ng The Entity.
At dahil nga pelikula ito, kaya nahanapan din ng solusyon ang lahat. ‘Yun nga lang, hindi na buo ang MI team. At ito ang naging mensahe ni Luther kay Ethan:
“…For the record, I never had a moment of doubt. I knew you’d find a way. You always do. I hope, in time, you can see this life is not some quirk of fate. This was your calling. Your destiny. A destiny that touches every living thing.
Like it or not, we are masters of our fate. Nothing is written. And our cause, however righteous, pales in comparison to the impact of our effect. Any hope for a better future comes from willing that future into being. A future reflecting the measure of good within ourselves. And all that is good inside us is measured by the good we do for others. We all share the same fate — the same future. The sum of our infinite choices. One such future is built on kindness, trust, and mutual understanding, should we choose to accept it. Driving without question towards a light we cannot see. Not just for those we hold close, but for those we’ll never meet…”—Luther Stickell, Mission: Impossible—The Final Reckoning
May natutunan ako sa pelikulang ito. Isa na rito ang pagiging hindi swapang sa atensiyon pag nakagawa ng mabuting bagay o kamangha-manghang gawain.
Sa ngayon, kambal-tuko na ang katagang “helping” and “marketing.” Kung minsan, hindi na nga klaro kung ang layunin nga ba ng isang tao ay gusto talagang makatulong, o di kaya’y publicity stunt lang for social image grooming.
“Dapat alam ng iba ang mga tulong na iyong ginawa. Dapat isapubliko ang kagandahan ng iyong loob.”
Ito naman ay salungat sa trabaho ng MI team ni Ethan. They risk their lives saving other people’s lives. And the public must not know about the whole thing. No announcement. No recognition. They live and die in the shadows.
If the mission itself is already an impossible feat to pull off, the inner workings of the entire mission is even that absurd. Why do something so heroic that it comes with the condition of not telling people about it?
Dahil ito ang puno’t-dulo ng kanilang trabaho—ang raison d’être. Dahil magtatagumpay lamang ang kanilang misyon kung mapanatili itong sekreto sa publiko. Pagtulong na dapat walang makakaalam: mahirap itong gawin sa totoong buhay.
At isa rin ito sa mga leksiyon na pilit kong binibigyan saysay. Dahil may dala rin palang kasiyahan kung ikaw lang ang nakakaalam sa kabutihan na iyong ginawa. Ang ganitong pananaw ay ipinaliwanag ng husto ni Kohlberg sa kaniyang Theory of Moral Development.
There is a sacred or a spiritual feeling of happiness—euphoric even—when you do something good and those who benefited from your goodness do not even know that it was you who made their day better and brighter.
Subukan din nating maging matagumpay, maging matulungin, at maging mabuting tao, na hindi na nangangailangan ng papuri sa iba. Subukan nating huwag i-post sa social media ang mga gawaing ito….kung kakayanin.
Dahil parang imposible na ngayon ang maging masaya na walang social media engagement. Hindi na sapat na Diyos lang ang nakakaalam sa mga nagawa nating kabutihan./PN