JUANITA NG PASIG, NAKAJACKPOT NG ₱77,777 SA SCRATCHIT!

Suwerte ang bumungad kay Juanita Fababaer, 53 anyos, taga Pasig City, matapos niyang masungkit ang premyong ₱77,777 mula sa Scratchit Red Hot 7 na binili lang niya paminsan-minsan sa Kapitolyo.

Aba, kung sa iba’y pang-merienda lang ang sukli, kay Aling Juanita, jackpot!

“Naku, hindi ko nga inaasahan. Bihira lang talaga akong bumili,” kwento ni Juanita. Ayon sa kanya ilalaan niya ang napanalunan para sa kanyang pagpapagamot. “Malaking tulong ‘to, lalo na sa panahon ngayon.

Salamat talaga sa Scratchit!” Ngayon, mas masaya naraw siyang nagluluto sa canteen – may pa-kaskas na, may pa-jackpot pa!

Ang kanyang payo sa mga taga-Pasig at sa buong sambayanan? “Kung bibili rin lang kayo ng scratch card, aba eh Scratchit na! Malay n’yo, kayo na ang susunod na Juanita ng Kapitolyo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here