‘Kung walang makukulong…’

“WE’VE now reached the ‘lawyer up stage’ in the flood control mess. The people’s outrage has subsided and been transformed into memes, while the government has ‘bureaucratized’ the investigation through the ICI.

Those politicians, contractors, and government officials accused of conspiring to raid the treasury can now hide behind legalese and dribble the cases until they find more hospitable political and legal environment.

The unfortunate reality is this: outrage is difficult to sustain; administrations seek to contain potentially damaging controversies; and bad actors can stay financially afloat much longer than the Filipinos’ attention span.

The mind, overwhelmed, normalizes PTSD.” — Florin T. Hilbay

Ang tanong: meron kayang makukulong? Anong pangil meron ang batas laban sa mga buwaya sa gobyerno? Saan kukuha ng lakas ang hustisya para matibag ang sistema at kultura ng korapsyon? May mga buwaya kaya na mahuhuli? May magpapahuli kaya?

“Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.” — Accountability of Public Officers, Article XI Section 1 of the 1987 Philippine Constitution.

Kitang-kita naman ang mga kapalpakan. Kung minsan, hindi naman makikita kasi wala ngang pinatayo na gusali. Pinangalanan na ang mga sangkot. Ebidensiya ang hayag na katotohanan.

Pero huwag nating maliitin ang kakayahan ng mga buwaya na linlangin ang taongbayan. Matatalino ang mga hayop na ito. At may likas na kakayahang gamitin ang mga proseso ng gobyerno para sa kanilang pansariling interes.

Tanggapin na rin natin ang katotohanan na mahirap kalabanin ang pera. Ibig sabihin, umiiba ang pananaw ng tao kapag nakatanggap na ng sobre o kahon o maleta.

Sabi noon ng propesor namin, huwag daw kaming masyadong magalit sa mga korap dahil baka kung kami rin daw ang nasa kanilang posisyon, tatanggapin din namin ang mga sobre.

“Pag binigyan ka ng isang milyon, tatanggapin mo ba?”

Lahat kami ay sumagot ng siyempre hindi.

“Mga sinungaling.”

Napakadaling piliin ang tama kung wala naman talagang pagpipilian.

“Pag inalok na kayo at tumanggi ka nga, tsaka nyo nalang sabihin na hindi nga kayo katulad nila.”

Ibang perspektibo naman ito ng integridad. Sino sa inyo ang nakatanggi na sa alok na isang milyon? Ibang klaseng dignidad din ito. Ang taong hindi lang galit sa korapsyon, kundi ang taong hindi rin korap sa sarili niyang trabaho, sa sarili niyang pamilya, at sa mga maliliit at normal na kaganapan ng kaniyang buhay.

Pero ano kaya ang kahahantungan ng mga isyu tungkol sa mga flood control projects? Gaano kaya kalawak at kalalim ang mga galaw ng mga buwaya?

May nalulunod na sa baha. May nagkakasakit. May natutulog sa eskwelahan. May nawawalan ng trabaho. May nawawalan ng bahay, nawawalan ng buhay, nawawalan ng pag-asa. Hindi na nila kayang mag-rally pa.

At hindi rin sila masasagip ng mga rally. Walang kuwenta ang demokrasya at hustisya… kung walang makukulong.

“Causing any undue injury to any party, including the Government, or giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of his official administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence. This provision shall apply to officers and employees of offices or government corporations charged with the grant of licenses or permits or other concessions.” — Section 3(e) of R.A. NO. 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act./PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here