MARIKINA LADY GUARD NAKA JACKPOT SA SING-SWERTENG SCRATCHIT!

Hindi lang sapatos ang matibay sa Marikina— pati swerte!

Si Noryline Sanchez, 31, isang lady guard mula Barangka, Marikina City, ay nanalo ng P200,000 sa Go Bananas Scratch it noong Setyembre 12 sa San Roque Outlet.

Ayon kay Noryline, minsan lang daw siya bumili ng ticket, pero tinamaan agad ng swerte.

Plano niyang gamitin ang premyo para magtayo ng maliit na negosyo. Payo naman niya sa iba: “Magdasal lang, at baka bukas, kayo naman ang mag-GoBananas sa tuwa!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here