
“KUNG maaari, subukan nating maging inspirasyon sa iba ang ating sariling kuwento.”
Huwag muna nating pag-usapan ang mga isyu tungkol sa mga flood control projects. Minsan nakakagulo lang ang mga ‘yan sa ating mga ambisyon sa buhay. Hindi ko naman ibinabalewala ang mga isyung panlipunan na nangangailangan ng ating atensiyon. Pero aminin na natin, karamihan sa atin ay sadyang walang magagawa para maparusahan ang mga sangkot sa korapsiyong ito.
Huwag na nating dagdagan ang mga problema ng bayan. Iwasan nating maging pabigat sa iba. At damhin natin ang kagandahan ng buhay na hindi konektado sa social media.
Ang kuwento ng isang magsasaka
Sana makagawa rin tayo ng isang bagay na talagang nakatataba ng puso. Isang magandang dahilan kung bakit ang buhay ay punong-puno pa rin ng pag-asa. Gaya ng kuwentong ito:
“In 1983, a 61-year-old Australian farmer lined up at the start of one of the toughest races in the world—the Westfield Sydney to Melbourne Ultramarathon. No one expected what happened next. Cliff Young, a sheep farmer with little formal racing experience, achieved the unthinkable: he ran 875 kilometers (544 miles) without sleeping… and won, beating all the favorites.” https://www.marathons.com/en
Sadyang nakabibilib ang kuwentong ito ni Cliff Young. Kung tutuusin, halos lahat ng tao sa kaniyang paligid ay hindi naniwala na makakaya niyang matapos o maipanalo ang sinalihang ultramarathon.
Si Cliff Young ay hindi na rin siguro nakipagtalo sa kanila. Hindi niya na rin siguro pinansin ang mga opinyon, mabuti man o masama, bago nagdesisyon na sumali sa kompetisyon.
Iisa lang naman talaga ang mahalaga. Na naniniwala siya na kaya niya. Sa kabilang banda, delikado rin ang ganitong paniniwala. Malalagay ka sa kapahamakan kung hindi mo nasukat ng mabuti ang iyong kakayahan. Pero sino ba talaga ang makapagsasabi na hindi mo kaya? Sino ang makasisiguro na ikaw ay magtatagumpay? Paano mo malalaman na tama ang naging desisyon mo?
You just have to go all-in and see what happens.
“Cliff Young didn’t just win a race—he changed the very fabric of ultrarunning. Before him, no one thought it was humanly possible to run nearly 900 km without sleep.
After him, scientists and runners alike studied his signature stride: the ‘Young Shuffle’—a low-impact, ultra-efficient gait that dragged the feet just above the ground to conserve energy.
To this day, it’s taught in ultramarathon training camps. But Cliff’s real legacy goes beyond biomechanics. He redefined what endurance means. He proved that patience and grit could outlast speed and youth. That simplicity can beat sophistication. That underdogs—those who don’t fit the mold—often hold untapped potential.
Even Eliud Kipchoge, the Kenyan marathon legend and first man to break the 2-hour barrier (in an unofficial race), cited Cliff Young as an inspiration: ‘He taught me that limits exist only in the mind.’ In Australia, Cliff remains a national icon.
His story isn’t just a tale of winning against all odds—it’s a reminder that greatness often wears humble shoes.” https://www.marathons.com/en/
May kaniya-kaniya tayong kuwento. Bawat isa sa atin ay may mga pinagdaanan na masasabi nating hindi maganda. May mga karanasan tayong gustong limutin. May nakaraang sana hindi na lang nangyari.
Sa mga nagdaang araw, aking napagtanto na kulang ako sa disiplina. At kailangan kung magpakumbaba. Natutunan ko rin ang kahalagahan ng katahimikan.
Ang kuwento ni Cliff Young ay isang patunay na may paraan para makamit ang mga bagay na sa tingin ng iba ay imposible o hindi mo kayang magawa. Pero hindi naman puro bilib sa sarili ang dahilan kung bakit nagawa ni Cliff Young na manalo. Samakatuwid, hindi naman talaga siya nag-ensayo para sa ultramarathon. Nakayanan niyang tumakbo ng limang araw na walang tulog dahil ito ay nakagawian na niya.
In short, his day-to-day ordinary routine was already an impossible standard to many of us and even to the elite runners. Excellence to many is just another day for him.
At dumating na naman tayo sa pinakasimpleng paraan para maging matagumpay, na pinahirap lang ng modernong pamumuhay.
Pero kung puwedeng paghaluin ang lahat ng ito bilang estratehiya sa gusto nating mangyari, bakit hindi?
Masubukan nga ang konseptong ito./PN