Resilient but accountable

“No official, no matter how high, is above the law.”—from the Philippine Supreme Court ruling in the case of Villavicencio v. Lukban (March 25, 1919)

TATLONG kaganapan noong nakaraang linggo ang nagbigay ng leksiyon sa akin. Mas mainam na learning environment din ang mga pangyayari sa labas ng klasrum. Sa kagaya ko na huli nang namulat sa kagandahan ng mga ideya tungkol sa serbisyo publiko at layunin ng mga opisyal sa gobyerno, kamakailan ko lang nabigyan ng halaga ang mga nasabing bagay.

1. Walang pasok

Siguradong may mga nakapansin na sa mas masamang epekto sa isipan ng mga “walang pasok” na anunsiyo. Siyempre, dapat ding paghandaan ang mga sakuna at kinakailangan ding unahin ang kaligtasan ng mga tao. Pero akin ding napansin na may mga estudyante at kawani ng gobyerno na ginagamit ang baha at buhos ng ulan bilang mga palusot. May nagagalit kung hindi agad-agad inaanunsiyo na walang pasok. At may nadidismaya pag tumigil na ang ulan at humupa na ang baha.

2. Suntukan, boksing, at serbisyo publiko

Kung natuloy ang laban, ano kaya ang magiging resulta? Sa aking palagay, kahit sino man sa kanila ang manalo, magiging katawa-tawa ang Pilipinas sa pananaw ng ibang bansa.

Isipin mo na lang kung talagang nangyari ang laban. Isang PNP Chief at isang Mayor ang nagsusuntukan sa harap ng mga naghihiyawang madla na siya ring sinasaksihan ng buong mundo.

Ano ang pagkakaiba nito sa sitwasyon ng dalawang gurong mortal na magkalaban pero nagkasundo na magsagawa ng income-generating activity sa pamamagitan ng pagsasabunutan para pambili ng mga libro at school supplies? Ano ang iyong magiging reaksiyon pag nakita mo ito bilang isang official school activity?

Papayag kaya ang prinsipal? Susuportahan kaya ito ng mga magulang? Tatangkilikin ba ito ng taongbayan? Isa ba itong gawain na maipagmamalaki natin bilang Pilipino?

3. A 97-page decision

Nabasa mo ba? Heto yung link ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa isyung impeachment ni Vice President Sara Duterte: https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2025/07/278353-1.pdf

Kailangan bang basahin ang buong desisyon? Hindi naman. Pero magiging kahiya-hiya sa isang tao (o Facebook user) na mag komento tungkol dito na hindi man lang nabasa ang basehan ng kaniyang komento.

Kapupulutan ng maraming aral ang nasabing desisyon. Isa rin itong magandang pagsasanay sa tinatawag nating critical reading exercise. Ilang halimbawa sa desisyon:

“It is not our duty to favor any political result. Ours is to ensure that politics are framed within the Rule of Just Law.

We cannot concede the sobriety of fairness inherent in due process of law to the passions of a political moment. Our fundamental law is clear: The end does not justify the means.”

Sa desisyong ito, mas napahalagahan ko ang kagandahan ng batas bilang instrumento ng hustisya, na siyang nakapagbigay inspirasyon sa akin na pag-aralan pa ng mas maigi ang ating batas.

Puwede rin naman siguro na isama natin sa ating kalayaan sa pagpapahayag ang responsibilidad na magbasa para matutunan ng husto ang mga desisyon ng Korte Suprema.

Bakita naging makatarungan ang desisyon? Bakit hindi sang-ayon ang iba sa pangangatwiran ng Korte Suprema?

Naniniwala ako na dapat din nating pag-ukulan ng panahon ang pag-unawa sa batas o pagbasa sa mga desisyon ng Korte Suprema. Hindi lamang para punain ang mga kamalian, kung meron man, kundi para linangin ang isipan para ating lubos na maintindihan ang konsepto ng hustisya sa konteksto ng rule of law at civic mindedness.

The “logic and nuance of law” refers to the interplay between formal reasoning and the complex realities that laws are designed to address. While law relies on logic to establish consistent rules and apply them to specific situations, its application is rarely straightforward due to the inherent ambiguity of language, the complexities of human behavior, and the potential for conflicting legal principles. (Google Search Labs/AI Overview)/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here