Patugtog naman d’yan! : 10 OPM songs that will recapture the joy of your youth

by Shy Polido

AGOSTO. Pinakahihintay na buwan ‘to noong nasa paaralan pa tayo. Marami kasing mga programang nakahanda lalo na mga kulminasyon sa katapusan. Bukod sa ito’y Buwan ng Wika, mayroon pang Araw ng mga Bayani sa dakong panghuli ng buwan.

Maaalala nating aligaga pa tayo noon sa paghahanda ng kung ano-anong mga pakulo: mga patimpalak sa pagsulat at pagbigkas; pagguhit ng mga poster o paggawa ng slogan hinggil sa selebrasyon; sayawan at awitan kung saan itinatampok ang mga tradisyon at kulturang Pinoy; at hindi rin magpapahuli ang masidhing pag-aaral lalo sa wikang Filipino at iba pang mga katutubong wika.  

Ngayong taon, sapagkat malabong tayo ay makakapagtipon-tipon, atin na lamang susubukang hahabihin ang mga ganap.

Nagtanong-tanong tayo sa ating mga masisigasig na kaibigan at napagkasunduang ano kaya kung balikan ang mga *matatamis* o sadyang *mapapait* na alaala noong araw. At iyan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga original Pinoy hits o OPMs na ating minahal at hanggang ngayo’y nakatatak pa rin sa atin mga diwa!

‘Mabisang sandata laban sa pandemya’

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang Buwan ng Wika 2020 ay nakasentro sa temang: “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.” 

“Wika ang tuláy sa paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis o matinding pangangailangan,” ayon pa sa KWF.

Ngayon, maaari natin itong maiugnay sa mga awiting naging parte ng ating kabataan. (Kaway, kaway, 90s babies!) Music is healing, ika nga. Mabibilang man o hindi, mayroon pa rin sigurong nag-imbak nitong mga awitin sa kanilang music galleries o playlists.

At habang tayo ay nananatili sa loob ng ating mga tahanan sapagkat patuloy pa ang community quarantine, ang mga awiting ito ay nakatutulong upang maging malaya ang ating mga kaisipan dulot ng pagkabagot at stress. Kumbaga, nalalabanan natin ang siphayo na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng mentally- at emotionally-healthy lifestyle. Kaya cheers!

Tugtugin mo na!

Wala nang paligoy-ligoy pa. Magbabahagi tayo ng sampung kanta na sakaling patutugtugin natin ngayon, siyang may kurot na dala. AAAW.

“Narda” by Kamikazee

Sino ba namang hindi nakakaalam nito. Aminin: isa ‘to sa mga kantang kahit ‘di mo na hanapan ng lyrics, eh, kabisadong-kabisado mo na puno hanggang dulo! (At okay. With matching headbang pa ‘yan)

“Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang Darna.”   

Ang paboritong chorus ng lahat.

“12:51” by Krissy and Ericka

“Scrolling through my cellphone for the twentieth time today/Reading that text you sent me again/Though I memorized it anyway.” Oh ayan. Kinanta mo ‘no. First line pa lang huling-huli na po tayo. Hmm. Siguro ito ‘yung tipong pinatugtog mo noong inaalala mo ang ‘yung taong gusto mong makasama pero may iba na? O iba. AWW.

“Hawak kamay” by Yeng Constantino

“May karamay ka.”

Ito sigurado, kabisado rin ng halos lahat. Swak ito sa mga nawawalan ng pag-asa at lakas lalo na ngayong may unos tayong kinakaharap. Ang kantang ito ay may positibong naging dulot sa ating mga pananaw sa buhay at siguradong nakapagpangiti sa’tin sa kabila ng mga alalahanin at problema.

“Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing ‘di ko na kaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masusumpungan
O ‘di kaya ako’y tawagin
Malalaman mo na kahit kalian, hawak-kamay.”

“The Day You Said Goodnight” by Hale

“To be is all I gotta be/And all that I see/And all that I need this time/To me the life you gave me/The day you said goodnight.” Such iconic chorus. Kinanta siguro natin ito noong naghihintay tayo kay teacher at gusto lang nating mag-jam sa loob ng silid-aralan. Hehe! Tagos rin!

“Awit ng Kabataan” by Rivermaya

The best rock OPM, labanan mo ko. “Hindi niyo kami mabibilang/At hindi rin maikakahon/Marami kami ngunit iisa lamang ang aming pasyon.” Just imagine the power the youth holds. Kaya grabe pa rin ang kapit ng kantang ito dahil na rin sa kanyang magandang kahulugan at naiwang empowerment sa kabataan.  

“Ngiti” by Ronnie Liang

Instrumental pa lang, may naaalala ka na. Balik tayo sa mushy kay crushie feels. Maybe everyone got to love this song for its soothing effect and the calmness it exudes.

“Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin.”

“Jeepney” by Spongecola

“Kulay nang iyong ngiti
Tikwas ng iyong buhok
At ang lambot ng iyong labi
Iyong labi.

Kahit anino mo sa malayo
Ay nais masulyapan
Upang mapawi
Ang lamig.”

Napapatula ako. At napapatulala. Parang sinasaktan tayo kahit hindi naman tayo broken. Pwede ba ‘yon? One of the best songs ng Spongecola.

“Oo” by Up Dharma Down

Oop. Na-friendzone ka rin? Bes, ‘di ,mo lang alam.

“Hindi mo lang alam ako’y iyong nasaktan/O baka sakaling ngang maisip mo naman/Puro siya na lang… sana’y ako naman/Hindi mo lang alam ika’y minamasdan/Sana’y iyong mamalayan/Hindi mo lang alam hindi mo alam/Kahit tayo’y magkaibigan lang.”

“Kaleidoscope World” by Francis Magalona

We love to be valued and cared for. And we cannot deny it. Everyone still loves this song. Malalim rin ang hugot. May halaga tayong lahat.

“Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin’ round, make it twirl
In this kaleidoscope world.”

“Tell Me Where It Hurts” by MYMP

“Why don’t you tell me where it hurts now, baby
And I’ll do my best to make it better
Yes, I’ll do my best to make those tears all go away.”

Our ultimate comfort song. Senti kung senti bahala na. MYMP hits hit hard. Top-tier. At isa si Juris sa gusto kong vocalists sa Pinas!

Ngayon, hingang malalim. Ang haba pa sana ng listahan ko pero baka hindi na magkasya. Sana magka-Part 2! Oh ‘di ba kaysarap lang balikan ang mga kantang bumuo sa ating kabataan! Hanggang sa muli. Patugtog ka na d’yan!/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here