
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
DOJ, obligadong palayain ang hazing suspect
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal…” (1 Corinto 2:14, Bibliya).
-ooo-
DOJ, OBLIGADONG PALAYAYAIN ANG HAZING SUSPECT: Oo naman, wala namang magagawa ang mga prosecutors ng Department of Justice kundi pakawalan talaga si John Paul Solano, ang isa sa mga suspek sa kaso ng pagpatay kay Horacio Castillo III habang ito ay sumasailalim ng initiation bilang neophyte ng isang fraternity sa College of Law ng University of Sto. Tomas (UST).
Maliwanag kasi ang batas—hindi pupuwedeng arestuhin o ikulong ng sinumang pulis ang mga taong hindi nahuli habang ginagawa ang krimeng kanilang kinasasangkutan, o hindi nahuli matapos lamang ang ilang sandali matapos maganap ang isang krimen. Si Solano ay hindi nahuli sa puntong si Castilo ay pinahihirapan ng mga taong gusto sana niyang maging mga “kapatid” sa UST.
Siya ay sumuko lamang sa kapulisan ilang araw matapos mamatay si Horacio. Dahil diyan, walang karapatan ang pulis na siya ay iditine. Dapat ay pinalaya na siya agad, matapos siyang magpakita sa mga pulis. Ngayon, hindi ako magtataka kung magsasampa siya ng kaso laban sa mga pulis na nagpakulong sa kanya ng halos isang linggo.
-ooo-
ARESTO AT PAGPAPAKULONG KAY SOLANO NG PULIS, ILEGAL: Ang pagpapakulong sa kanya ay lilitaw na arbitrary detention sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code, kahit sabihin pang lumagda si Solano na pumapayag siyang magpakulong. Dito sa ating bansa, may tatlong sitwasyon lamang kung saan puwedeng hulihin at ikulong ang isang tao ng walang warrant of arrest mula sa mga hukuman.
Una dito ay yung sitwasyon kung saan ang isang tao ay nakitang gumagawa ng krimen. Sa aktong gumagawa ng krimeng ang taong, maaari siyang hulihin ninuman, kahit na ng pribadong mamamayan, kahit walang warrant of arrest. Pangalawa ay yung sitwasyong may krimeng naganap, at ang mga manghuhuli ng inaakala nilang siyang gumawa ng krimen ay may matibay na batayan na ang kanilang huhulihin nga ang gumawa ng krimen
Panghuli ay yung sitwasyong ang huhulihin ay isang takas na bilanggo. Di na kailangan ng warrant of arrest para hulihin ang isang takas na bilanggo. Magkaganunman, dapat malaman ng mga manghuhuli na nakasaad naman sa Republic Act 7438 na ang sinumang huhulihin o ikukulong dahil sa pagkakasangkot sa krimen ay kailangang bigyan agad ng abogado ng mga huhuli sa kanya.
-ooo-
CONGRATS, PANAY BALITA: Sa kapahintulutan ng iba’t ibang mga pahayagan sa Pilipinas at sa abroad kung saan lumilitaw din ang kolum na ito na ang pamagat ay “Kakampi Mo Ang Batas,” nagbibigay po ako ng espesyal na pagbati sa pahayagang Panay Balita na umiikot sa buong Panay Island (Region 6), Guimaras, Negros Occidental at sa tanyag na Boracay Island. Nagdiriwang kasi ito ng kanyang ika-14 na anibersaryo ng pagkakatag ngayong buwang ito ng Setyembre 2017.
Si Ginoong Danny Fajardo ang founder ng Panay Balita (Ang Hublas nga Kamatuoran) at ang kanyang anak, si Ginoong Daniel Fajardo II, ang siyang namamahala ngayon nito, mula pa noong 2010. Ang layunin kaya ito itinatag ni Danny noong 2003 ay maglabas ng isang diyaryo na ang gamit ay ang salitang Hiligaynon—ang katutubong salita sa Panay Island.
Marami ang nagtaas ng kilay sa direksiyong ito ni Danny pero ang tagumpay ng diyaryo hanggang ngayon ay nagpapatunay na tama siya sa kanyang pasya. Naniniwala akong sa pagsusulong ng Panay Balita ng mga balitang makatotohanan at walang bahid pagkiling o pagkampi kaninuman, kikilalanin ito di na lamang sa Region 6 kundi sa buong Pilipinas. Congratulations, Panay Balita!
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]





