
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
[/av_textblock]
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Dengvaxia: katapusan ng lahing Pilipino?
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ano ang mapapala ng tao makamtan man niya ang buong mundo kung mapapariwara naman ang kaluluwa nito?…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Mateo 16:26, Bibliya).
-ooo-
DENGVAXIA: KATAPUSAN NG LAHING PILIPINO? May mga tanong na dapat sagutin ang Food and Drugs Administration, ang Department of Health, at maging ang dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng Dengvaxia: ano ba ang tunay na dahilan bakit nila pinahintulutan ang paggamit ng mga batang Pilipino ng gamot na ang bisa ay hindi pa naman lubos na mapagkakatiwalaan?
At ano ang masasabi nila sa posibilidad na dahil naipasok sa katawan ng mga batang lalaki ang dengue virus sa pamamagitan ng nasabing gamot, maaaring mawalan na ng kakayahan ang mga batang iyon na magkaanak batay sa resulta ng isang pag-aaral sa abroad na nagsasabing pag tinamaan ng dengue ang isang batang lalaki ay maaaring nanlalambot na ang kanyang ari?
Hindi kaya ang tunay na layunin ng pagbabakuna sa mga batang lalaki ng Dengvaxia ay alisin na ang kanilang kapangyarihang magkaroon ng anak? Pag nangyari ito, hindi kaya ito magiging dahilan ng katapusan ng lahi ng mga katutubong Pilipino dahil ang mga katutubong ito ang higit na lantad sa kagat ng lamok na may dengue?
-ooo-
UTOS NG FDA, HULI NA: Nakakadismayang totoo ang kautusan ng Food and Drugs Administration ng Department of Health ukol sa pagpapatigil ng pagbebenta ng Dengvaxia sa Pilipinas sa puntong ito. Talagang ganoon na ang mga ahensiya ng gobyerno natin: kikilos lamang sila pag ang pinsala sa sambayanan ay nagawa na.
Huwag nating kalilimutang bago pa pinahintulutan ng gobyernong Aquino ang paggamit ng Dengvaxia sa bansa ay marami na ang kumontra dito, at ang mga pagkontrang ito ay nagmula pa sa mga manggagamot at iba pang mga may pinag-aralang mga tao, na nai-dyaryo pa mandin. Pero, naging bulag at bingi ang Food and Drugs Administration, at wala itong ginawa upang pigilan noon pa man ang bentahan ng gamot.
Sa totoo lang, wala namang buting naidudulot sa bansa ang nasabing ahensiya. Sa ngayon nga, maraming mga produktong pagkain, mga gamot, at mga kosmetiko ang hindi pa kumpirmadong makakatulong sa kalusugan ng mga Pilipino pero naglipana na ang mga ito, sa ilalim pa nga ng tungki ng ilong ng Food and Drugs Administration mismo.
-ooo-
MGA DAHILAN SA MABAGAL NA REAKSIYON NG FDA SA DENGUE: Hindi ako naniniwalang inefficiency o kawalan ng kakayahang kumilos kontra sa mga ilegal na pagkain, gamot o kosmetiko ang dahilan kaya hindi kumikilos ang Food and Drugs Administration. Sa tingin ko, kung hindi nakinabang ang ilan sa kanilang mga opisyales sa mga ilegal na pagkain, gamot o kosmetiko, pinatahimik sila ng kanilang mga nakatataas.
Sa ngayon, ang kawalan ng pagkilos ng ahensiya ay nagdudulot ng banta at kapariwaraan sa halos isang milyong kabataang Pilipino. Ang tanong ko lamang ay ito: nakakatulog pa kaya ang mga namumuno sa nasabing ahensiya sa harap ng panganib na ito sa ating mga batang Pilipino?
At naaatim pa kaya ng mga pinuno doon na pakainin ang kanilang mga pamilya ng perang galing sa kanilang kapabayaan sa pagganap sa tungkulin na siyang dahilan ngayon at nakabingit sa balag ng alanganin ang marami nating mga kababayan? Sana’y ang mga anak ng mga ito ang tinurukan ng Dengvaxia at ng maramdaman nila ang hapding nararanasan ng maraming magulang sa ngayon.
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]





