Taga-Calamba nanalo ng ₱200,000 sa Scratchit, idadagdag sa pambayad-utang at pondo sa kasal

Isang tubong Calamba na ngayo’y nangungupahan sa Sta. Rosa ang nakatsamba ng P200,000 mula sa GoBananas Scratchit noong Agosto 10, 2025.

Ang maswerteng mananaya ay si Baltazar Bueno, 33 anyos, isang private employee, na inamin na kada Sabado at Linggo ay bumibili siya ng Scratchit kapag wala siyang pasok.

“Masaya ako kasi pandagdag bayad sa utang at dagdag budget para sa kasal,” ani Bueno na abot-tenga ang ngiti.

Nagpasalamat din siya sa Scratchit: “Continue lang ang ganitong business at platform dahil tulad ko, kapag may tiyaga at panalangin sa Diyos, ibibigay ito ng hindi mo akalain.”

May paalala rin siya sa mga gustong sumubok: “Kapag may extra lang po kayong budget tsaka niyo po itry. Mahirap pong itaya at magbakasakali baka kayo naman po ang walang maipakain sa family niyo.”

Mula sa pagbabayad ng utang hanggang sa preparasyon ng kasal, pinatunayan ni Bueno na minsan, ang swerte ay kusa na lang kumakatok.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here