Batangueña Nanalo ng P200,000 sa Isang Scratchit Ticket: “Sakto sa Pagpapagawa ng Bahay!”

“Ala eh, isang kaskas lang- jackpot agad!”

Ganito inilarawan ni Francisca Torres, 52 anyos mula sa San Felipe, Cuenca, Batangas, ang kanyang suwerteng pagkapanalo ng P200,000 mula sa Scratchit Go Bananas noong Enero 2, 2025.

Hindi na kinailangan ni Aling Francisca ng limang ticket o dasal sa Antipolo – isang Scratchit ticket lang ang kanyang binili sa Lotto Outlet sa Cuenca, at ayun na nga, bananas ang suwerte!

“Masaya ako dahil nanalo ako sa Scratchit, sakto at inaayos pa ang aming bahay. May pangpaayos na kami!” kuwento ni Aling Francisca na halatang hindi lang ang bahay ang napapaayos, pati ang kanyang araw ay gumanda agad.

Ang premyo, aniya, gagamitin nila sa pagpapatuloy ng pagpapagawa ng kanilang tahanan at sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Aba’y practical at mapagmahal si Aling Francisca, hindi agad bumili ng lechon o flat screen TV!

“Hanggang ngayon naglalaro pa rin ako ng Scratchit,” dagdag niya. Mukhang hindi pa tapos ang suwerte – baka sunod ay P1 million naman!

May tip din siya sa kapwa manlalaro: “Maglaro lang ng maglaro ng Go Bananas, at makukuha niyo rin ang P200,000!” Pero tandaan, ‘wag naman ubusin ang budget sa pang-ulam, ha?

At ang mensahe niya sa Scratchit? “Thank you and God bless you, Scratchit!”

Kaya kung ikaw ay kasing-swerte rin ni Francisca, aba’y subukan mo na rin mag-Scratchit! Ala eh, baka ikaw na ang susunod na tumama!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here