Dear Secretary Briones, Part 2

IN MY last column, I explained the genesis of my open letter to the DepEd Secretary that demanded an academic freeze.

The first part of this 3-part mini-series (and of the said letter) also outlined three honorable ways out, or exit strategies, for Secretary Briones.

We continue with the last paragraph from my last column outing.

*

Bakit po Academic Freeze?

Kasi nga the Filipinos are just not ready.

We fooled ourselves with “the opening of classes went smoothly.”

Niloloko po natin ang ating mga sarili to think that teachers, parents, and especially students have adjusted well, and are getting into the rhythm of things in the new normal.

*

 â€œWe tried, but it didn’t work as we expected.” —‘Yan po ang marangal na way-out statement. 

Saving face, oo, pero totoo. 

Mabigat at mahirap bale-walain ang proofs and evidences of DepEd’s inadequacy and unpreparedness.

And there is no shame in changing your mind. 

Lalo’t you are changing it for the betterment, and for the benefit of millions.

Ang tunay na nakakahiya, ‘yong mananatili ka sa putikan kahit pwede namang umahon at maligo. 

‘Wag po tayo sa pride at ego

*

Balikan po natin ang mga student suicides. 

Hindi po kailangan umabot sa hundreds ang mga ito to be meaningful statistics. 

One life is worth the battle. 

One life is worth all the f*cking Academic Freeze. 

If that’s not true, hindi po tayo makatao, maka-Diyos, at maka-Filipino. 

Press release lang pala lahat.

*

‘Yong mga palpak na modules. 

Hindi ko po masisisi ang mga teachers. 

Maliban sa ilang mga nagmamarunong, mga pasikat, mga pa-Superman/woman o umako ng trabaho na hindi naman well-trained for module writing. 

Meron po talagang mga teachers na magagaling magsulat at gumawa ng modules. 

Dapat sila sana ang inatasan, hindi kung sinu-sino na lang na nag-training ng tatlong araw (kung saan mas marami pa ang coffee at meal breaks). 

Or better yet, ginastahan na lang sana ng DepEd ang pagbili ng mga textbooks from tunay na textbook publishing companies at ipinamigay ito ng libre sa mga estudyante.

I’m sure, magdi-discount   publishers in the face of the pandemic. 

Besides, million of copies po ang bibilhin ng DepEd, kaya kahit pa 50% discount, baka papayag sila. 

*

Pero palpak nga ang mga modules, aksaya sa ink at papel, aksaya sa time and effort.

Pagod ang kawawang mga teachers, mas pagod at stressed ang mga students na wala namang natututunan.

At pagod na rin ang mga parents na nag-worry pa sa modules na nagdagdag sa problema of feeding their families sa panahon ng pandemic.

Marami po ang nawalan ng hanapbuhay, kailangan ko pa po ba kayong i-remind?

*

So, can we just stop? 

Can we please just stop NOW?!!!

Listen to God, and implement Academic Freeze. 

I assure you po, mas sasaya ang Pasko ng mga Pilipino once maipatupad ang Academic Freeze bago mag-December. 

At ang laki ng pasasalamat ng sambayanan sa ganoon

Baka patawarin pa po kayo ng mga estudyante, imbes na isumpa. 

*

Sorry po, I gave people permission to curse those who make their lives difficult. 

My bad! O, di ba? Haha. 

Ako po, ang sumpa ko: slow and painful death to those who cross me lalo’t nasa panig ako ng katotohanan at katarungan.

And deal ko po kay God: If I am right, let the offender that I curse suffer; if I am wrong, let me suffer the weight of my curse times two!

So far, nandito pa naman ako; at buhay pa rin naman at naghihirap ang mga bashers ko. 

Kaya ‘wag po ako. (Pinapaunahan ko na rin po ang mga trolls ninyo.)

*

Miminsan lang po ako nagcu-curse pero naiintindihan naman ni Lord ang mga ‘yon kasi nga nasa panig ako ng truth, justice, and the right. 

I am speaking in God’s name to save God’s people!

Medyo messianic po ‘yan, pero that’s true.

Sino naman kasing ibang profeta ang pakikinggan ninyo, e, ako itong walang takot at totoo lang ang sinasabi, at handang magpapako sa edad na 51, if needed.

*

For the record, malaki po ang takot ko sa Diyos (but it’s more like fear of losing God’s love).

Hindi po ako takot sa Diyos in the sense that I love God more than I fear God.

Nagseminaryo po ako after college, hindi lang natuloy sa pagpapari.

(Nilabanan ko rin ang pagiging bading, pero dapat pala ini-embrace ‘yon, tinatanggap.)

Paladasal po ako, at hindi nananakit ng kapwa maliban doon sa asal-hayop na, s’yempre, hindi ko na tinuturing na kapwa.

Bad po ba kung ayokong makipaghalikan sa aso at ahas?

*

Pwes, ituro po ang Liberation Theology at Social Justice dahil alam ko po kung ano ang mga ito, and it seems hindi alam ng marami.

Mabingi man ako at magahasa ng mga gwapong lalaki in the next 30 days, I swear, it is this great love of God that forces me to speak for God’s people even if it means putting my life and literary reputation at risk, and in grave and mortal danger. (To be continued/PN)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here