‘Di gaya ng iba

“Alam n’yo ba na ang pera sa loob ng ATM ay 80 Million? Kaya pala tinawag syang 80M. Ok bye.” – from FB

PAG-USAPAN natin ang isang bagay (o behikulo) na siyang ginagamit ng nakararami sa pakikipag-usap sa mga kakilala, estranghero, o iba’t-ibang bersiyon ng ating sarili. Walang iba kundi ang social media.

Sisikat ka ba diyan? May pera ba diyan? Madali lang ba? Nakapagbibigay-saya ba?

Social media – ang kalaban na tinatangkilik ng lahat; ang panganib na minamaliit ng mga magulang; ang nakapagbibigay-halaga sa mga walang kuwentang gawain.

Pero hindi rin natin maitatanggi ang mga radikal at rebolusyunaryong benepisyo ng social media. Sa taong marunong, makabubuti ang social media. Sa taong nagmamarunong, nakatutulong din ang social media.

Ang social media na siguro ang bukod-tanging lokasyon kung saan ipinaghalo ang langit at impiyerno; kung saan makikita ang pinakamagandang inspirasyon at mga nakapanlulumong kaganapan; kung saan may pinakamarami kang kaibigan na hindi mo naman talaga kilala.

Pero kahit ano pa ang sabihin ng iba, sa social media tayong lahat nagkaroon at nakahanap ng halaga sa sarili. At dahil ang social media na nga ang naging sisidlan ng ating mga alaala at, kung tutuusin, ang panimula’t dulo ng ating mga karanasan, nakararapat din na pag-isipang mabuti ang pangkalahatang impluwensiya nito sa ating kamalayan.

Paghahambing at paghahalintulad

Hindi para sa lahat ang social media. Pero lahat ay puwedeng gumamit nito. Ang tinutukoy ko rito ay hindi ang edad ng gumagamit, kundi ang kaisipan ng gumagamit.

Alin sa mga ito ang madalas mong maramdaman habang nagso-social media? saya; inggit; lungkot; selos; pangangamba; tinatamad ng magtrabaho; naiinis na sa mga utos na pinapagawa kanina pa; kasabikan sa mga nangyari, nangyayari, o mangyayari; pag-asa at tiwala sa sistema, sa iba, o sa sarili; pasasalamat sa kasaganaan ngayon at sa mga darating pang bukas, o pagkalungkot at bigat ng damdamin dala ng pang araw-araw na mga gawain.

Dahil lahat ay kayang ibigay ng social media—nakararapat man o hindi. Walang tama o mali sa internet. Halos lahat ng kabutihan o kasamaan sa mundo ay nangangailangan lang ng Wi-Fi—at cellphone siyempre.

Katuwiran at pangangatuwiran

“If you look at the 2024 figure, there are 18 million students who the Philippine Statistics Authority (PSA) detected are senior high school graduates and junior high school graduates, but are not functionally literate. Meaning they graduated from our basic education system, but they cannot read, they cannot understand, and comprehend a simple story.” – Senator Sherwin Gatchalian, April 30, 2025, based on the report by the (PSA) revealing that 18 million junior and senior high school graduates from 2019 to 2024 are considered ‘functionally illiterate.’”

Naiintindihan ba ito ng mga nasa puwesto? May mali ba sa report o findings ng PSA? Papaano naka-graduate sa basic education system kung hindi naman pala nakababasa ng mabuti? What then is the meaning of “basic?”

Sa kabilang banda, baka sa kolehiyo pa naman talaga gagana ang pag-iisip ng ating mga estudyante (late bloomer lang). Na ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa binabasa ay tunay nilang maipamamalas sa gabay ng CHED.

‘Di ba napakarami na ngayon ang nakapagtatapos ng cum laude?

‘Di gaya-gaya sa iba

Voter A: “Batuna lang ang kwarta biskan kay sin-o nga kandidato. Botoha lang ya galing ang matarong. Indi man na nila mabal-an.”

Voter B: “Daw indi man na tsakto. Kay ginhatag gani sa imo ang kwarta kay nagpromisa ka nga botohon ang naghatag.”

Voter A: “Teh, indi man na ila kwarta. Aton man na. Wala gid da malain ah. Nga-a sigurado ka nga tumanon nila ila promisa haw? Amo man na gyapon.”

Voter B: “Gani man no? Wala man na guro kaso ah. Teh, pila nabaton mo subong?”

“Documents show that the installation of security bollards (worth P8-million) across NAIA Terminals 1 to 4 was meant to “promote terminal safety by preventing vehicles from ramming into the walls of the terminals at the curbside parking area.”/PN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here