Ang Iloilo City ay isa sa libo-libong komunidad sa buong mundo na makakatanggap ng napakagandang mensahe ng pag-asa ngayong Nobyembre. Dahil iyan sa espesyal na kampanya ng mga Saksi ni Jehova na nakapokus sa pag-asang binabanggit ng Bibliya tungkol sa isang mas magandang mundo. Sa kampanyang ito, ipapamahagi ang isang espesyal na edisyon ng magasing Bantayan na may pamagat na “Isang Mas Magandang Mundo—Malapit Na!”
Mahigit 36 na milyong kopya ng nakalimbag na magasin ang ipapamahagi sa mga 230 wika sa mga komunidad sa 240 bansa sa buong mundo. Ang magasin ay available din sa iba’t ibang digital format sa halos 400 wika.
“Gustong-gusto ng mga tao na makarinig ng positibong mensahe at ito ang pinakamagandang balita,” ang sabi ni Leynard Rodulfa, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas. “Hindi panaginip lang ang mas magandang mundo, siguradong mangyayari ito. Sa katunayan, ito ang pangunahing mensahe ng ebanghelyo ni Jesus.”
Tinatalakay ng magasin ang napakatagal nang tanong tungkol sa “katapusan ng mundo,” Magwawakas ba ang mundong ito? Baka magulat ang maraming mambabasa sa nakaaaliw na sagot ng Bibliya. Inihuhula ng ilang relihiyon ang “katapusan ng mundo,” pero ipinakikita sa magasin ang malinaw na mensahe ng Bibliya: Ang lupa ay mananatili magpakailanman at hindi kailanman magwawakas! Pero ipinapaliwanag din ng magasin na ipinapangako ng Bibliya na magwawakas ang kawalang-katarungan. Sinipi nito ang aklat ng Mga Awit na nagsasabing mawawala na ang masasamang tao na nagiging sanhi ng mga pagdurusa sa mundo.—Awit 37:10.
Ang positibong mensaheng ito ang pag-asa ng milyon-milyong tao sa buong mundo na nananalanging dumating na sana ang Kaharian ng Diyos. Si Mr. David Dan Elijah Fajardo ay ipinanganak at lumaki sa Isla ng Panay. Noong mga 23 taóng gulang siya pataas, naging CEO at manunulat siya ng dalawang publishing company, ang Panay News at Watchmen Daily Journal. Pero may naging malaking pagbabago sa buhay niya. “Parang may kulang sa buhay ko,” ang sabi niya. “Akala ko magiging mas masaya ako, pero hindi talaga ito ang buhay na gusto ko.” Nang malaman niya ang pangako ng Kaharian ng Diyos, naging mas masaya ang buhay niya. Sinabi ni Mr. Fajardo: “Bilang makaranasan sa media, alam kong ang mabuting balita ang kailangan natin para magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Hindi alam ng mga tao na darating ang isang mas magandang mundo, at kailangan nilang malaman ito.” Kabilang siya sa milyon-milyong Saksi ni Jehova sa buong mundo na na makikibahagi sa espesyal na kampanyang ito.
Mahigit 100 taon nang inihahayag ng Bantayan ang mensahe tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sa buong mundo, ito pa rin ang magasin na may pinakamaraming salin sa iba’t ibang wika at may pinakamalawak na sirkulasyon. Ang Bantayan ay mada-download nang libre sa website na jw.org. Puwede ring mag-request ng libreng nakalimbag na kopya mula sa mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagpunta sa jw.org at pag-click sa link na “Mag-request ng Pag-aaral sa Bibliya.”
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Office of Public Information: 3224-4405. I-click ang link sa ibaba para makita ang online version ng magasin: https://www.jw.org/finder?wtlocale=TG&issue=2021-05&pub=wp21&srcid=share./PN






