
IKINABAHALA ni dating Senador at ngayon Deputy Speaker Loren Legarda ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa gitna ng kakapusan pa rin ng suplay ng mga bakuna.
Kahapon, pumalo na sa record breaking na 22,366 ang bagong confirmed cases ng COVID-19, na pinakamataas na bilang ng infections na naitala nang magsimula ang pandemya noong March 2020.
Ipinanawagan ni Legarda na palakasin pa ang health care system at tiyakin na may sapat na pondo para sa mga dekalidad na pasilidad at equipment sa mga hospital.
Paigtingin din anya ang medical assistance programs ng pamahalaan, tulad ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at DOH Medical Assistance for Indigents Program (MAIP).
Iginiit pa ni Legarda ang kahalagahan ng pag-institutionalize ng Special Risk Allowance para sa ating mga health care workers sa government and private hospitals pati na rin ang agarang pamimigay ng kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowances na patuloy pa ring nabibinbin sa Dept.of Health.
Tiniyak din ni Legarda na masusi nyang pag-aaralan sa Kamara ang proposed 2022 national budget lalo na ang pondo ng DOH para sa mga bakuna, pagpapalakas ng healthcare system, at suporta para sa healthcare workers na itinuturing na mga bagong bayani ngayong pandemya.
Muling ipananawagan ni Legarda ang kahalagahan ng pagsunod sa basic health and safety protols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, at pagsunod sa physical distancing lalo na ngayon patuloy na tumataas ang kumpirmadong kaso ng delta variant sa bansa.






