KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
‘One Righteous Vote’

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit…” (Awit 112:6, Bibliya).

-ooo-

“ONE RIGHTEOUS VOTE”: Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus dahil isang mapagpalang Martes ang aking naranasan noong Oktubre 17, 2017. Pinagpala para sa akin ang araw na iyon, na alam kong bigay ni Jesus na ating Diyos at Tagapagligtas, kasi sa unang pagkakataon sa bansang Pilipinas, nagsama-sama ang mga mananampalatayang Kristiyano upang tahasang isulong ang matuwid na boto sa mga halalan sa bansa.

Sa pulong na iyon na ginanap sa isang sulok ng isang sangay sa West Avenue, Quezon City ng isang malaking fastfood chain sa Pilipinas, nagkasundo ang mga dumalo na magtatag, noon at noon din, ng isang samahang tinawag nilang “One Righteous Vote”—o “Isang Matuwid na Boto” (silipin po ang mga litrato ng pulong sa www.facebook.com/attybatas).

Titipunin ng “One Righteous Vote” ang mga Pilipinong nagnanais na maging matuwid ang kanilang pagpili ng mga ibobotong kandidato, na walang isasaalang-alang sa pagboto kundi ang pagiging matuwid din ng kandidato. Layon nitong matulungan ang mga Pilipino na maging matuwid sa pagpili ng mga ihahalal sa puwesto, at maipanalo ang mga kandidatong bagamat mahirap o di kilala ay malinis o maganda naman ang record.

`                       -ooo-

MATUWID NA BOTANTE, SUSI SA MATUWID NA MGA PINUNO: Kinikilala ng “One Righteous Vote” na sa kasalukuyang panahon matindi ang pangangailangan ng bansa upang ang mga botante at mga kandidatong matuwid lamang ang makakapanaig sa anumang halalan dito sa atin.

Naniniwala ang grupo na kung matuwid ang botante, hindi nito ipagbibili ang kanyang boto sa konting halaga lamang, bagkus ay titiyakin pa niyang mga matuwid din lamang ang kanyang ihahalal. Kung mga matuwid ang mga maihahalal, makakatiyak tayo ng isang matuwid na pamumuno—pamumunong hindi magsisinungaling, hindi magnanakaw, at hindi magiging tiwali kailanman.

Sa ating karanasan dito sa Pilipinas sa napakahaba ng panahon, nakita nating tuwing halalan na lamang ay nakakapanaig ang mga tiwaling botante—o yung mga tao na ang kasagraduhan ng boto ay ipinagbibili sa highest bidder, ika nga, o yung kandidatong nagbabayad ng pinakamalaki sa kanila. Dahil diyan, nananalo ang tiwali, na tiyak na magnanakaw muli at muli sa kanyang puwesto.

-ooo-

PAMUMUNONG MATUWID AT MAY TAKOT SA DIYOS, KAILANGAN NG RP: Ang tanong nga lamang ay ito: may mga Pilipino pa bang matuwid sa pagboto? May mga Pilipino pa bang hindi ipinagbibili ang boto? Sa tingin ng “One Righteous Vote,” marami pa. Nangangailangan lamang ang mga Pilipinong matuwid pa din sa pagboto ng konting “tulak” kumbaga, mula sa mga kapwa nila matuwid, upang huwag isuko ang kanilang botong matuwid.

Iyon ang dahilan kaya sumilang  ang “One Righteous Vote”—upang bigyang-direksiyon ang mga matuwid pa din sa pagboto at, siyempre, matuwid pa din sa kanilang mga buhay, tungo sa pagbabalik ng isang matuwid na sistema ng pamamahala sa gobyerno, o isang sistemang kumikilala sa kapangyarihan ng Diyos sa sambayanan.

Sa mga may katanungan kung papaano makakasama sa “One Righteous Vote” ang mga interesadong tao, makipag-ugnayan po lamang kay dating Bulacan Rep. at El Shadai spokesman Willie Buyson Villarama (0917 529 4559, willievillarama@yahoo.com). Maaari din po kayong makipag-ugnayan kay Pastor Jojo Gonzales ng Capitol Christian Leadership ng Quezon City, Guagua, Pampanga Bishop Juan Pring, at sa akin sa mga telepono at email na nakasulat sa ibaba.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here