
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Pagpapatalsik ng UST sa mga estudyante, dapat tularan ng iba
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Turuan ang bata sa landas na dapat niyang tahakin at ito ay di na niya lilimutin kahit na siya ay tumanda na din…” (Kawikaan 22:6, Bibliya).
-ooo-
PAGPAPATALSIK NG UST SA MGA ESTUDYANTE, DAPAT TULARAN NG IBA: Sa harap ng naiulat na pasya ng College of Law ng University of Sto. Tomas (UST) na hindi na nito tatanggapin pa bilang mga estudyante ng batas ang mga kasapi ng isang fraternity na sangkot sa kamatayan sa hazing ni Horacio Castillo III, maaari na ding magpasya ang ibang mga paaralan o unibersidad o kolehiyo sa bansa sa kahalintulad na parusa sa mga mag-aaral nilang nagwawalang-hiya.
Sa kasalukuyan kasi, dahil sa Juvenile Justice Law ni Sen. Francis Pangilinan, halos walang magawa ang mga guro, kahit na yung mga nasa paaralang elementarya o high school pa lamang, kung ang kanilang mga estudyante ay walang disiplina, abusado, magugulo, at lantaran pa ang pambabastos sa iba, ng may pagkunsiti pa ng kanilang mga magulang.
Sa halimbawang ipinakita ng UST, pupuwede palang balikan ng mga guro o ng mga paaralan mismo ang mga kabataang tinuturuan nila kung ang mga ito ay hindi nila mapasunod, hindi madisiplina, at ni hindi maparusahan kahit konti lang. Pupuwede palang kumilos ang mga guro at ang mga paaralan upang hindi na makapagpatuloy pa ng pag-aaral ang mga nagwa-walanghiyang bata.
-ooo-
MGA GURONG MAY PROBLEMA SA MGA ESTUDYANTE NILA, BASAHIN PO ITO: Sa totoo lang po, itinuturo ko na ang ganitong “resbak” kumbaga ng mga guro at mga paaralan sa mga estudyante nilang wala ng mabuting asal, at hindi na inaatupag ang pag-aaral at may lakas-loob pang gumawa ng kahit na mabibigat na krimen kahit may mga nakakasaksi.
Noong panahon ng aking maybahay, si dating Judge Angelina Mauricio, bilang All Star President ng Rotary Club of Intramuros sa taong 2016-2017, humarap kaming dalawa sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, lalo na sa Pasig City, na ang problema ay mga kabataang bastos at walang modo, sa mga tinatawag ng Rotary na “peace and conflict seminars”.
Sa bawat seminar na dinaluhan namin, ang hinaing lagi ng mga guro ay simple: iginapos ng batas ni Pangilinan—na nagbabawal ng paghuli at pagdisiplina sa mga kabataan kahit na sila ay gumagawa na ng krimen sa harap ng mga guro—ang kanilang mga kamay, kaya naman ni hindi na sila makakilos upang mabago ang pagwawalang-hiya ng mga batang kanilang tinuturuan.
-ooo-
“SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG KAILANGAN”: Ang solusyon namin ng aking asawa ay simple din: bagamat bawal sa batas ni Pangilinan na hulihin o disiplinahin ang mga batang lihis na sa mabuting asal sa kagagawan na din ng mga magulang na kunsintidor, maaari silang gumawa ng talaan o record ng bawat kabastusan o ginawang krimen ng mga estudyante nila, at, gamit ang mga record na ito, sampahan ng kasong administratibo ang mga bata sa Department of Education.
Ang layon nito ay lagyan ng record ang mga batang walang disiplina sa DepEd mismo, at hingin ang kautusan mula sa Departamento na nagsasabing hindi na kailanman tatanggapin pa sa mga paaralang pampubliko ang nasabing mga bata. Kung may isip pa ang kanilang mga magulang, kikilos sila upang huwag matuloy ang pagpapalabas ng ganung kabigat na kapasyahan laban sa kanilang mga anak.
Sa totoo lang, halos lahat na ng kabataang Pilipino sa ngayon ay wala ng kinatatakutang kahit sino—mga magulang nila, mga matatanda, at kahit na ang Diyos mismo. Kung hindi tayo kikilos upang baguhin ang kanilang kaisipan, at ibalik sila sa disiplina, magiging sumpa na sila ng bayan, hindi na pag-asa, gaya ng binanggit ni Dr. Jose Rizal. Tunay nga, sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]





