Biñan Techie nanalo ng ₱200,000 sa GoBananas Scratchit!

Isang tech support agent mula sa Biñan ang biglang bumangon sa tagumpay matapos manalo ng P200,000 sa GoBananas Scratchlt game noong Hunyo 20, 2025.

Si Ralph Lauren P. Macadaeg, residente ng Biñan, ay regular na bumibili ng Scratchlt tickets, ngunit hindi niya inaasahan ang malaking panalo na dumating mula sa simpleng ticket na binili niya sa isang tindahan sa kanilang Lugar.

“Nabigla po talaga ako, kasi unexpected. Pero masaya at nagpapasalamat,” ani Macadaeg.

Sa tanong kung ano ang balak niyang gawin sa premyo, sagot niya ay praktikal: “Gagamitin po pang panimula ng business na bigasan.” Mukhang mula sa tech support, lilipat na siya sa pagsuporta ng bigas ng bayan!

Ang nakakatuwang mensahe niya para sa Scratch It:

“Ako’y nagpapasalamat, unang-una sa sarili ko kasi nanalo ako ng jackpot… at siyempre sa Scratchlt dahil may scratch game sila.”

At para sa mga nag-aasam ding manalo:

“‘Wag po silang sumuko sa pag-scratch. Balang craw, sila naman po ang mananalo.”

Ang P200,000 panalo ni Ralph ay patunay na minsan, hindi tang saging ang may puso — minsan, ang GoBananas card din!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here