Estudyanteng Taga-Bulacan, Nanalo ng ₱200K sa Ruby Riches! “Scratch mo lang, baka ikaw na!”

Isang ordinaryong araw ang naging extraordinary para kay James Angelo, isang simpleng estudyante na minsan lang bumili ng Ruby Riches ng Scratchlt, ngunit jackpot agad ang nakuha— ₱200,000 sa halagang dalawang ticket tang.

Wala siyang trabaho, pero mayroon na siyang puhunan. Walang regular na trabaho si James Angelo; isang estudyanteng mas madalas mag- aral kaysa maglaro ng Scratchit. Pero noong Mayo 24, 2025, sa Walter Mart Plaridel, sinubukan niya ang kanyang kapalaran. At jackpot agad!

“Basic lang,” ang sagot ni James Angelo nang tanungin kung paano nagbago ang buhay niya matapos manalo. Basic daw, pero ₱200,000 yan ha. Hindi natin clam kung basic na sa henerasyon ngayon ang makakuha ng ganitong kalaking pera, pero dito sa Bulacan, ‘yan ang puhunan ng isang sari-sari store, loading business, at kaunting barbecue sa harap ng buhay.

Ano ang plano niya sa pera? Pang-negosyo raw. Baka sa susunod, may James’ Special Pritong Isaw na tayo sa Parulan.

Naglalaro pa rin ba siya ng Scratchit? Oo naman. Ika nga niya, play until you win. Kung hindi pa nanalo, eh di scratch tang ulit! Pero may paalala rin si James Angelo sa mga kagaya niyang nangangarap: huwag abusuhin. Kontrolado lang.

Bilang panapos, may mensahe si James Angelo sa lahat ng gustong sumubok din ng Scratchit: scratch it, enjoy, and control. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga, kahit dalawang ticket lang. Sa susunod, baka ikaw na ang manalo, basta tandaan: huwag todo, kontrol Lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here