KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Hindi kailanman ok mga tangang pulis, Gen. Dela Rosa

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Nang ang aking isip hindi mapalagay, at ang damdamin ko’y labis na nasaktan, di ko maunawa, para akong tanga, sa iyong harapa’y hayop ang kagaya…” (Awit 73:21-22, Bibliya).

-ooo-

HINDI KAILANMAN OK ANG MGA TANGANG PULIS, GEN. DELA ROSA: Ewan ko kung ano ang iisipin ko sa mga pinagsasabi ni Director General Ronald Dela Rosa, ang hepe ng Philippine National Police, upang ipagtanggol ang mga pulis ng Mandaluyong City na kasama sa mga pumatay sa dalawang katao sa nasabing lunsod bago pumasok ang 2018, sa isang sinasabing “mistaken encounter” sa pampublikong lugar pa mandin.

Ayon kasi kay Dela Rosa, mas gugustuhin na daw niya na tanga ang mga pulis niya basta mabuti ang kalooban, kaysa sa matatalino daw ang mga ito pero masasama naman ang intensiyon. Ha? Paano nga ulit yun, General Dela Rosa? Ok sa iyo na tanga ang mga pulis, kaysa sa matatalino?

Kung lilimiing mabuti, hindi kailanman ok, o kailangan ng sambayang Pilipino,  ang mga tangang pulis, kahit gaano pa kalinis ang kalooban ng mga ito, sa dahilang kadalasan, ang mga tanga ay nagagamit sa krimen. Sa kabilang dako, kung matalino ang mga pulis, pati na ang kanilang mga pinuno, mas madali silang turuan kung papaano maging mabuti at tapat sa paglilingkod.

-ooo-

MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (IV): Sa ika-apat na bahagi ng ating pagtalakay sa Republic Act 7438 ngayong araw na ito, makikita natin na tungkulin din ng mga pulis, sundalo, o iba pang law enforcement officers na nang-aresto, nag-imbita para imbestigahan, o nag-imbestiga sa sinuman, na payagan ang mga inaresto nila na makausap agad ng mga abogado.

Ayon ito sa Section 2 (b) ng RA 7438, na ganito ang tahasang sinasabi, sa wikang Ingles:  “Any public officer or employee, or anyone acting under his order or his place, who arrests, detains or investigates any person for the commission of an offense shall inform the latter… of his rights to… have competent and independent counsel…who shall at all times be allowed to confer privately with the person arrested, detained or under custodial investigation…”

Ibig sabihin nito, yung sinasabi ng mga pulis pag nanghuli sila ng tao na “sa presinto ka na magpaliwanag” ay di pala totoo, at paglabag sa mga karapatan ng hinuli na maaaring maparusahan ng pagkakakulong ng pulis o ng iba pang law enforcement officers ng hanggang sampung taon, at pag-alis ng karapatan nilang makapasok sa iba pang posisyon sa gobyerno habang sila ay nabubuhay.

-ooo-

BAKIT MARAMI NG BATA ANG MASAMA ANG UGALI NGAYON? (IV): Ang isang paraan upang maging interesado ang mga anak natin na pag-aralan ang Bibliya ay ang pagkukuwento sa kanila ng mga magagandang kuwento mula doon, na kapupulutan ng mahahalagang aral. Marami po ang mga kuwentong ito, kung pagsusumikapan lamang natin silang hanapin.

Ang isang halimbawa ng magandang kuwento sa Bibliya na pupuwedeng ulit-ulitin sa ating mga anak ay ang kuwento ng pagpunta ng Diyos sa lupa, sa anyo ng tao, may laman at dugo, upang tanggapin, sa Kanyang katawan, dugo, at espiritu, ang parusang dapat ay ang tao ang tatanggap dahil sa kanilang mga kasalanan.

Sa Bibliya, may labingwalong bahagi ang kuwentong ito ng pagtungo ng Diyos sa lupa na tiyak na kagigiliwan ng mga bata. Tatalakayin po natin isa-isa ang mga kuwentong ito sa kolum na ito, sa layuning maintindihan ang mga ito ng mga magulang at maikuwento din naman sa kanilang mga anak. Abangan!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here