
Noong ika-24 ng Agosto 2023, alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) na tulungan ang mga nangangailanganan ayon sa temang “𝗣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝗕𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝗕𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝗠𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯,” ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangunguna ni PCSO Dir. Janet De Leon – Mercado kasama ang mga Assistant General Managers (AGMs) ng ahensiya na sina Dr. Larry R. Cedro – AGM for Charity Sector, Mr. Arnel N. Casas – AGM for Gaming Sector at Ms. Julieta F. Aseo – AGM for Administrative Sector ay natungo sa Brgy. Cayabu, Tanay Rizal para ilapit ang ibat-ibang programa ng PCSO sa mga mahihirap natin mga kababayan.


Namahagi si Dir. Mecado kasama ang mga AGMs ng PCSO ng Dalawang Daan at Dalawampu (220) na food packs sa residente ng Brgy. Cayabu na pinamumunuan ni Brgy. Captain Antonio E. Bolaños at Kagawad Marissa L. Finuliar. Maliban dito, nagkaroon din ng turnover ceremony ng mga food packs sa mga kalapit barangay. Makakatanggap ng tig Pitumpu (70) na food packs ang mga sumusunod na barangay, Brgy. Sta. Ines na pinamumunuan ni Brgy. Captain Adrenico Zubiaga, Brgy. Tinucan sa pangunguna ni Brgy. Captain Victoria La Cuesta, Brgy. Sto. Ñino naman ni Brgy. Captain Leonardo Dela Cruz at Brgy. Mamuyao sa ilalim ni Brgy. Captain Susan Regalario.
Ang bayan ng Tanay, Rizal ay bahagi ng bulubundukin ng Siera Madre kaya ang pangunahing kinabubuhay ng mga tao dito ay pagsasaka lamang. Mahirap ang komunikasyon dahil liblib na lugar ang Brgy.Cayabu. Madami din mga katutubong tao ang mga naninirahan dito kaya isa sa napiling pagbigyan at abutan ng tulong ang nasabing barangay.
Samantala, nagkaroon din ng isang Medical and Dental Mission sa lugar ang PCSO sa pangunguna naman ni MSD Department Manager Dr. Krish Trine Ramos kasama ang buong medical team na kinabibilangan ng mga doctors, nurses at mga dentista.
Sa kabuuan may Isang Daan at Dalawampu’t Tatlong (123) pasyente ang nagpatingin sa libreng konsultasyong medikal, Limampu’t Apat (54) na pasyente naman ang sa dental kung saan sila nagpatingin at nagpabunot ng kanilang mga ngipin. Nagkaroon din ng Limang (5) pasyente na nagpa electrocardiogram o ECG.
Ayon sa panayam kay Brgy. Captain Antonio E. Bolaños ng Brgy. Cayabu napakapalad ng kanyang barangay na nasasakupan dahil sa narating at naabot sila ng PCSO. Siya ay lubos na nagpapasalamat, sabi niya “𝘼𝙠𝙤’𝙮 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙣𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝘾𝙎𝙊 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙜𝙖𝙧. 𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙜𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝘿𝙞𝙧𝙚𝙘𝙩𝙤𝙧 𝙅𝙖𝙣𝙚𝙩 𝙈𝙚𝙧𝙘𝙖𝙙𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡𝙚𝙨 𝙣𝙜 𝙋𝘾𝙎𝙊 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙙𝙞𝙩𝙤. 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙙𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝙂𝙈 𝙍𝙤𝙗𝙡𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝘾𝙝𝙖𝙞𝙧𝙢𝙖𝙣 𝘾𝙪𝙖 𝙡𝙖𝙡𝙤’𝙩-𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙮 𝙋𝘽𝘽𝙈. 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙈𝙚𝙙𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙡𝙤’𝙩 𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙙𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙮𝙤 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙛𝙤𝙤𝙙 𝙥𝙖𝙘𝙠𝙨 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙥𝙖𝙠𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙪𝙗𝙪𝙣𝙜𝙠𝙖𝙡 𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙥𝙖 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖. 𝙈𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙣𝙩𝙖𝙬𝙞𝙙 𝙜𝙪𝙩𝙤𝙢 𝙣𝙖 𝙥𝙤 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙡𝙖𝙡𝙤 𝙣𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮.”


Ang mga programang isinagawa sa Brgy. Cayabu ay base sa Mandato ng PCSO at ang pinamahaging mga food pack naman ay nakapaloob sa 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗲 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 (𝗖𝗦𝗥) 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng PCSO na naglalayong tulungan ang bawat mahihirap na Pilipino at alinsunod na rin sa kautusan ng mahal na pangulong PBBM.
“𝙋𝘾𝙎𝙊, 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙐𝙢𝙪𝙪𝙧𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜!”
Photos by Justin B. Santos / Ericson L. Delos Reyes / Edwin B. Lovino






