“At sa mga nangyayari rin po ngayon, kaguluhan sa daigdig, kaguluhan sa ating bansa, ako po’y nananawagan na tayo’y magkaisa para makapagserbisyo na tayo sa ating mga kababayan.
Kapag ang gulo po ng pulitika, ang nasasakripisyo po ang pagserbisyo po sa inyong lahat mga kababayan ko. Kaya nananawagan po ako sa lahat na tayo po ay magkaisa.
Sa mga balita ngayon na naririnig natin, alam nyo idadamay pa ako sa ICC. Ang sagot ko diyan ay ipinagpapasa-Diyos ko na lang po ang lahat.
Diyos lang po ang nakakaalam. Alam nyo buong buhay ko po wala po akong nilabag na anumang batas ng tao o batas ng Diyos.
Wala akong ginawa sa buong buhay ko kundi magtrabaho at makapagserbisyo sa inyo lalung-lalo na po sa mga kababayan nating mahihirap. Lalung-lalo na po sa mga kababayan nating mahihirap po.
Uulitin ko lang, police matters have never been part of my mandate. Hindi ko po trabaho yan. And I hope and pray, nananalangin po ako sa Panginoong Diyos na hindi po mapulitika itong isyu hinggil sa ICC na sinasabing may warrant sa akin.
Kaya po ako naririto para makapagserbisyo sa inyo. Kaya po ako pumunta rito upang ipakita sa inyo na ako po’y nananalangin at…dahil wala po akong nilabag na batas sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.
Hindi po ako natatakot dahil ako po’y naniniwala na ginagampanan ko po ang aking trabaho. Umasa po kayo sa aking patuloy na pagseserbisyo po sa inyo at hinding-hindi ko sasayangin yung tiwalang ibinigay po ng 27 million sa akin sa bayang ito. Maraming-maraming salamat po sa inyo.
Kaya po hindi ako takot, nandirito ako nagseserbisyo ako sa inyo basta ‘wag lang mapulitika, huwag lang haluan ng pulitika ako po’y kampante na hindi po ako madadamay sa mga isyu po ng ICC.
Personal po akong pumunta sa inyo dahil ako po’y walang ibang ginawa sa buong buhay ko kundi puro trabaho at serbisyo para sa kabutihan po ng ating mga kababayang Pilipino.
Alam nyo ang hirap maging pulitiko ngayong panahong ito. Now is not the best time to be a politician. Sa totoo lamang po, kung ako lamang po ay papapiliin, mas gusto ko yung buhay ko noon na simple, walang gulo, tahimik. Nakakapamuhay po ako nang tahimik na mag-isa.
Pero nandirito na po ako, binigyan nyo po ako ng mandato, binigyan nyo ako ng tiwala. Hinding-hindi ko sasayangin yung tiwalang ibinigay nyo po sa akin. Kaya patuloy po akong magseserbisyo sa abot po ng aking makakaya.
Kaya salamat sa tiwalang ibinigay nyo po sa akin. Salamat po sa tiwalang ibinigay nyo po sa akin.”






