
THE FIRST of the 2021 Peter’s Prize awards is a Special Prize in Theater Arts. And it is given to Romie John Delariarte, founder and creative director of Iloilo Prima Galaw, an important theater company in Iloilo City.
***
The second is the competitive writing category Peter’s Prize for COVID Literature. And the winners are: Jonell Gregorio of Aklan (first prize), Maria Kristelle Jimenez of Pampanga (second prize), and Kian Sanchez of Bataan (third prize).
***
The third Peter’s Prize for 2021 is for Very Short Stories for Children. (See below for detailed information.) Each entry should contain three children’s stories in Hiligaynon, each story with only 300 to 500 words. They should be emailed to 500tinaga@gmail.com from June 12 to the June 15 deadline.
***
The fourth prize is the 2021 Peter’s Prize for Film. (See my next issue for details.) Each entry should be three minutes long (from 160 to 180 seconds only), silent, in mp4 format. They should be emailed to 500tinaga@gmail.com from June 24 to the June 30 deadline.
***
When the pandemic is under control, we envision an awards ceremony (and maybe a film festival) sometime in September or October.
It will also be a great time to honor the winners of the 2020 Peter’s Prize — Celia Parcon of Iloilo City, recipient of the Special Prize for Literary Translation; and the winners of the 2020 Peter’s Prize for Short Story: Adonis Gonzales of Calinog, first prize; and Serafin Plotria of Bacolod City, second and third prizes.
***
Bakit tatlong kuwento ang kailangan sa bawat entry ng Peter’s Prize for Children’s Stories?
Hindi tulad ng ibang writing contests, may bahagi ng Peter’s Prize na naghahanap ng writer, ng boses ng manunulat, at hindi lamang ng isang magaling na akda o kuwento.
At ang boses ay mas madali at mabilis na maririnig at matatagpuan sa kalipunan ng mga naisulat.
***
Ang isa ay maaaring magaling na tsamba. Ang dalawa ay maaaring maglikha ng duda (kung magaling ang isa, subalit palpak ang kasama). Sa tatlo, kung hindi panay magagaling, mas matutumbok ang nakalalamang na galing, o nakalalamang na tsamba.
***
Ang patimpalak ay para sa lalong maiikling kuwento. Sa karanasan ng Peter’s Prize, ito ay higit na mabisa sa mga akdang hindi hihigit sa 500 na mga salita.
Mabuti rin na ito ay hindi bababa sa 300 na bilang ng mga salita para may “dating sa pahina” o magnificence on the page. Mukha kasing kulang o kumpol sa pahina ang lalong maiksi kaysa sa 300 na mga salita.
***
May puwang para sa mga kuwentong 100 na salita lamang, ngunit hindi ito ang Peter’s Prize.
Obserbasyon din ng Peter’s Prize na mas kinikilingan at pinipili ng mga makabagong mambabasa ang lalong maikling panitikan. (Attention deficit disorder, ikaw ba ‘yan?)
Dalawang direksyon ang pwedeng tahakin: pagbigyan ang kulturang ADD, o hamunin at labanan ito ng mga makabuluhang panulat na mas mahaba sa nais ng mga mambabasa (500 na mga salita) ngunit maiksi pa rin kaysa sa mga tradisyunal na anyong panitikan (4,000 hanggang 12,000 na mga salita sa maikling kuwento).
***
Bukas ang tema ng patimpalak. Maaring isulat ang kahit na anong paksa. Walang banal, walang bawal. Isaalang-alang lamang na ito ay mga kuwento para sa mga bata.
At para maging higit na makabuluhan sa bagong milenyo, maari ring iwasan na ang mga cliche or gasgas na paraan ng pagbibigay ng moral lesson. Halimbawa: ang mga katuruan at kaliwanagan na nagaganap sa panaginip. ‘Yon bang nananaginip lang ang bida para magising na mas matalino at mas mabait. Paulit-ulit na lang ito. Nakasasawa na. Hindi masining!
***
Ang makabagong panitikan para sa milenyong ito ay hindi ba marapat na magtukoy at makipagtunggali rin sa mga realidad at kaganapan ng milenyong ito?
Kaya bakit hindi natin bigyang liwanag ang mga isyu ng gender equality, domestic violence, school bullying, addiction to gadgets, et cetera sa ating panitikang pambata?
Bakit puro fantasy at fairy tales ang panitikang pambata natin?
Paano ba dapat harapin ng batang Pilipino ang pamilyang may kasapi na bakla o tomboy? Ano ba ang dapat malaman ng batang Pilipino hinggil sa pananakit at pang-aabuso sa tahanan? Paano ba malabanan ang pambubully ng mga kaklase?
***
Walang isang hugis o anyo ang magaling na kuwentong pambata. Maari itong may aral (paborito ng mga magulang at guro), ngunit maari rin itong masining na pagkukuwento lamang.
Hindi naman kailangan ng horror story ang moral lesson.
Hindi rin naman kailangan ang moral lesson sa kuwento ng lola o alagang aso na pumanaw.
Bukas ang tema, bukas ang paksa ng Peter’s Prize. Pero mas lalong higit na bukas ang isipan ng mga hurado.
Sa kahuli-hulihan, ang magtatagumpay ay ang boses ng manunulat na tiyak at may alam sa realidad ng bagong milenyo.
***
Sa email address na ito ipadala ang mga lahok (sa Word Document file format, kung maaari; at bilang embedded text sa email kung walang Microsoft Word): 500tinaga@gmail.com.
Subject headline: Entry to Peter’s Prize.
Bukas sa pagtanggap ng mga lahok ang email address mula June 12 hanggang June 15 lamang.
Isama ang tunay na pangalan, address, at contact information katulad ng email address.
Good luck sa inyong lahat!/PN




