25.7 C
Iloilo City
Saturday, October 17, 2026
Home Business 9 LGUs nakatanggap ng PTVs mula sa PAGCOR

9 LGUs nakatanggap ng PTVs mula sa PAGCOR

PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco (4th from left) poses with the municipal mayors and representatives from the nine LGUs which received new Patient Transport Vehicles from PAGCOR.
PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco (4th from left) poses with the municipal mayors and representatives from the nine LGUs which received new Patient Transport Vehicles from PAGCOR.

Nagkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng siyam na Patient Transport Vehicles (PTVs) sa iba’t ibang lokal na pamahalaan upang mas mapadali ang pamimigay ng serbisyong medikal sa mga liblib at mga nasalantang lugar.

Kabilang sa mga nakatanggap ng donasyon ang Mataas na Kahoy (Batangas), Paniqui (Tarlac), Bolinao (Pangasinan), Norzagaray (Bulacan), at ang mga bayan ng Bangui, Carasi, Dumalneg, Pagudpud, at Adams sa Ilocos Norte.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, ang programa ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.

“Through these vehicles, we help ensure that people living in geographically isolated and disadvantaged areas can receive timely medical care,” pahayag ni G. Tengco.

Ayon kay Pagudpud Mayor Rafael Ralph Benemerito II, malaking ginhawa para sa kanyang probinsya ang mga ambulansya.

Matindi ang pinsalang iniwan ng Super Typhoon Nando sa Ilocos Norte, kung saan nagkaroon ng malawakang pagbaha, pagkawala ng kuryente at paglikas ng libo-libong pamilya.

“Every time may nangangailangan ng transportation sa mga pasyente, dinadala natin sila sa Laoag Hospital, sa Provincial Hospital, o sa Batac Hospital na umaabot ng 80 to 100KM ang layo. Kaya naman itong ibinigay ng PAGCOR ay napakalaking tulong at ginhawa,” ani Benemerito.

Each patient transport vehicle donated by PAGCOR is equipped with a GPS navigation system, an ambulance stretcher with mounted restraining system, medical oxygen, a wheelchair, and a first aid kit.

Kumpleto ang bawat PTV sa GPS navigation system, ambulance stretcher, medical oxygen, wheelchair, at first aid kit para masigurong maayos at mabilis ang pagresponde sa mga emergency.

Mula nitong Pebrero ay nakapagpamahagi na ang PAGCOR ng 60 PTVs sa mga LGU, pampublikong ospital, frontline agencies at military units sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here