Atty. Gadon, hindi pa din handa sa kanyang mga reklamo

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Atty. Gadon, hindi pa din handa sa kanyang mga reklamo’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”][/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang tapat na saksi’y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling…” (Kawikaan 14:5, Bibliya).

-ooo-

JOMAR CANLAS, “15TH JUSTICE NG KORTE SUPREMA”: Ika-labinlimang mahistrado (the 15th Justice) ng Korte Suprema ang madalas ay pabirong itinatawag kay Jomar Canlas, isang reporter ng diyaryo, ng kanyang mga kasamahan sa media, sapagkat sa napakaraming pagkakataon, naisisiwalat niya ang mga ilalabas pa lamang na kapasyahan ng hukuman bago pa man pormal na maisapubliko ang mga ito.

Dahil halos lahat ng kanyang mga isinusulat ukol sa ilalabas pa lamang na mga desisyon ng Korte ay tama o akma sa katotohanan, wala ng kumukuwestiyon sa kanya kung papaano o kanino niya nakukuha ang mga paunang impormasyon. Sa katunayan, tinatanggap ng marami na tama nga ang kanyang mga isinusulat, kahit na ukol ang mga ito sa mga kaganapan sa pagitan ng mga justices.

Ang importante, para sa kanyang diyaryo at sa mga mambabasa nito, at tila maging sa Korte mismo, tama ang kanyang mga naunang isinulat. Dahil diyan, hindi ako nagtaka noong ipatawag siya upang tumestigo sa Kamara de Representantes sa impeachment ni Chief Justice Maria Lourdes Aranal Sereno, upang liwanagin ang isa sa kanyang artikulo ukol sa pinuno ng hudikatura.

-ooo-

“HEARSAY” ANG ARTIKULO NI JOMAR: Ang artikulo ay may kinalaman sa diumano ay komprontasyong namagitan kina Sereno at kay Justice Teresita De Castro dahil sa sinasabing pagbabago sa isang kautusang inilabas ng hukuman. Ginamit ni Atty. Larry Gadon ang artikulong ito bilang isa sa kanyang mga batayan ng kanyang reklamong impeachment kay Sereno.

Sa pagharap ni Jomar (kaibigan at kumpare ko pa) sa Committee on Justice noong Lunes, Nobyembre 27, 2017, tinanong siya ng mga mambabatas ukol sa kanyang artikulo. Mula sa mga pagtatanong na ito, inamin ni Jomar na ang kanyang mga isinulat ay hindi batay sa kanyang sarili o personal na kaalaman, kundi batay sa sinabi ng kanyang mga “sources” lamang.

Hearsay na maituturing ang artikulo ni Jomar. Kasi, sa ilalim ng batas, ang isang testigo ay dapat nagpapahayag ng mga bagay batay sa kanya lamang personal na kaalaman.. Hindi pupuwedeng tumestigo siya batay sa kaalaman ng ibang tao, kasi hearsay nga iyon, na hindi katanggap-tanggap sa anumang paglilitis.

-ooo-

ATTY. GADON, HINDI PA DIN HANDA SA KANYANG MGA REKLAMO: Magkaganunman, may halaga din naman kahit papaano ang isinulat ni Jomar ukol sa sinasabing komprontasyon nina Sereno at De Castro. Kahit na hindi mapapatunayang naganap nga o hindi ang komprontasyon ng isinulat ni Jomar, kahit papaano ay magagamit naman ito upang ipatawag ng Committee on Justice si Justice De Castro.

Ganundin, maaari ding magamit ng Kamara ang artikulo ni Jomar upang ipa-subpoena ang mga papeles ng Korte na may kinalaman sa isyung diumano ay tinalakay sa komprontasyon ng dalawang mahistrado, kung mayroon mang ganong mga record.

Ganoon na nga ang ginawa ng ilang mga kongresistang maliwanag na pabor mapatalsik si Sereno. Pero, dahil itinanggi ni Jomar na siya ang nagbigay ng impormasyon kay Atty. Gadon ukol sa isyung ito, muling nakalasap ang abogado ng masasakit na salita dahil sa kanyang kawalan ng kahandaan na patunayan ang kanyang mga reklamo.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here