KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Ebidensiya vs. 2 police generals, dapat ilabas ng Palasyo

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Wala pa bang makikinig sa inyo?  Hindi pa ba kayo natututo para makinig na mabuti?’…” (Isaias 42: 23, Bibliya).

-ooo-

MGA EBIDENSIYA VS. 2 POLICE GENERALS, DAPAT ILABAS NG PALASYO: Kung ako ay isa sa mga abogado at spokesman na nasa Malacanang sa ngayon, pipilitin kong ilabas ang kabuuan ng desisyong nilagdaan ng Pangulong Duterte upang patalsikin sina Police Generals Edgardo Tinio at Joel Pagdilao. Ang dahilan: para maipakitang ang pagpapatalsik sa dalawa ay di lamang pampapogi upang makabawi sa pagbagsak ng rating ang Pangulo.

Sigurado kasi akong babanatan ng mga kalaban ng Pangulo ang pagpapaalis sa serbisyo kina Tinio at Pagdilao, at sasabihin nila na damage control lamang ang ginawa sa dalawa, upang kontrahin lamang ang matindi ngang 18 plus puntong pagbagsak ng rating ng Pangulo sa nakaraang survey ng Social Weather Station (SWS).

Upang makaiwas ang Malacanang sa ganitong mga akusasyon, kailangang ipakita sa sambayanan ang kalipunan ng mga katibayang pinagbatayan sa dismissal from the service ng dalawang police generals, kasama ang mga detalye ng kani-kanilang partisipasyon sa pananalasa ng ilegal na droga. Yun ay kung mayroon ngang ganoong katinding ebidensiya. Ang problema lang kung wala, naloko na ang war on drugs ng gobyernong Duterte.

-ooo-

TOTOO BA ANG SWS SURVEY SA PAGBAGSAK NG RATING NI DIGONG? Totoo nga kaya ang iniulat ng SWS na pagbagsak ng rating ng Pangulong Duterte? Hindi kaya ito ay bahagi ng mga pagkilos upang patalsikin ang Pangulo mula sa Malacanang? May kinalaman ba sa ulat na ito kontra kay Duterte ang sinasabing relasyon ng mga may-ari ng SWS sa mga matataas na opisyaes ng gobyernong Aquino?

Ito ang mga tanong sa ngayon na inililitaw ng mga taga-suporta ng Pangulo na nakausap ko nitong ilang mga nakakaraang araw matapos lumabas ang ulat ng SWS. Sabi ng mga supporters na nakipag-usap sa akin, hindi maaaring bumagsak ang rating ng Pangulo dahil nananatili ang maalab na suporta ng mga Pilipinong nagluklok sa kanya sa Malacanang noong 2016.

Ang iba nga sa kanila ay nagtatanong kung bakit ang mga malalaking pahayagan at broadcast companies sa bansa ay tila ba nagkaisa na huwag ilabas ang mga litrato ng mga rally ng mga Duterte supporters matapos lumabas and SWS survey report. Sa mga litrato ng mga rally, makikitang napakadami pa din ang nagpapahayag ng pagkampi sa Pangulo.

-ooo-

TAUMBAYAN, NAYUYUGYOG SA MGA NAGLALABASAN SA MEDIA:  Magkaganunman, ke totoo ba o hindi ang ulat ng SWS, hindi maitatatwang nayuyugyog na ang damdamin ng marami sa ating mga kababayan ng mga naglalabasan sa mga diyaryo, radyo, telebisyon at maging sa social media na nagpapakita ng sobrang karahasan ng mga pulis at nagpapatuloy na korapsiyon sa gobyerno, lalo na sa Bureau of Customs.

Sa mga nababasa sa mga diyaro at lumalabas sa radyo, telebisyon at social media, nagmumukha talagang kaawa-awa ang mga mahihirap at maliliit, lalo na yung mga napapatay dahil sa sinasabing koneksiyon nila sa mga ipinagbabawal na gamot, lalo na ng shabu. Ipinagngingitngit ng mga marami, mahirap man o mariwasa, ang pagkakaiba ng trato sa mga maliliit na nagtutulak ng shabu, at ng mga sinasabing mayayamang drug lords.

Sa aking tingin, dalawa ng pupuwedeng gawin ng Malacanang upang labanan ang patuloy na pagdausdos ng popularidad ng Pangulo. Una ay ang paglilinis ng totohanan sa mga nagpapatupad sa kampanya laban sa droga at sa mga nagpapatuloy sa korapsiyon, lalo na sa Bureau of Customs. Pangalawa ay ang pagiging mas masigasig ng mga tagapagsalita ng Pangulo upang maipaliwanag na wala itong kinalaman sa mga krimen at abusong nangyayari sa ngayon.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here