
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Twist sa Sereno case: 117 ‘impostor’ congressmen di dapat bumoto
INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Sinuman ang ako ay ikinahihiya at maging ang aking mga salita sa makasalanang daigdig na ito, ikahihiya din sila ng Anak ng Tao sa kanyang pagbabalik dala ang luwalhati ng Ama, kasama ng mga banal na anghel’…” (si Jesus, ang Diyos at Tagapagligtas, sa Marcos 8:38, Bibliya).
-ooo-
TWIST SA SERENO IMPEACH CASE: 117 “IMPOSTOR” CONGRESSMEN DI DAPAT BUMOTO: May pagbubunyag si Atty. Melchor Magdamo, isang dating opisyal ng Commisison on Elections na tahasang nag-akusa kina dating Chairmen Jose A.R. Melo at Sixto Brillantes, Jr., ng mga anomalyang nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso. Sabi niya, 38% ng mga nakaupong 294 na mga kongresista natin ngayon ay mga “impostor,” at hindi dapat pabotohin sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Aranal Sereno.
Ang tatlumpo’t walong porsiyento ng mga nakaupong kongresista sa ngayon, o 117 kung susumahing mabuti, ay pinipigilan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin ng tinatawag na “SOCE law,” ayon kay Magdamo, na nagpaliwanag na ang ibig sabihin ng SOCE ay “Statement of Election Contribution and Expenses.”
Ang SOCE law ay nagtatakda, para sa bawat kandidato mulo pa noong maipasa ito noong 1985, na magsumite ng kanilang mga SOCE, ayon kay Magdamo. Sinabi pa niya, sa kanyang post sa Messenger group na “One Righteous Vote,” na ang kabiguang maisumite ang SOCE ay mag-aalis ng karapatan ng isang nanalong kongresista na gampanan ang kanyang mga tungkulin.
-ooo-
“ONE RIGHTEOUS VOTE” NAGHAHANAP NG MGA MATUWID NA BOTANTE, KANDIDATO: Ang “One Righteous Vote” ay isang kilusan ng mga organisasyong nakabase sa mga simbahan, at sa mga ordinaryong mamamayan na naghahanap ng mga matuwid na botante, o yung mga boboto ng mga matuwid ding kandidato upang tiyakin na ang mga matuwid na ito ay may tsansang manalo laban sa mga mapera o popular na kalaban.
Magkasama kami ni Magdamo sa “One Righteous Vote.” Ang iba pang mga kasapi ng grupo ay sina dating Bulacan Rep. Willie B. Villarama na kumakatawan sa El Shadai, sina Born Again Bishops Jojo Gonzales at Juan Pring, at information technology expert Mike Locaylocay (basahin po ang Kakampi Mo Ang Batas, October 17, 2017).
Kaming lahat nina Villarama, Gonzales, Pring, Magdamo at Locaylocay ay naniniwala na kailangang enggganyuhin ang mga mamamayan na itampok ang pagiging matuwid sa pagboto, na ang ibig sabihin ay hindi naiimpluwensiyahan ang botante ng pera o regalo o iba pang konsiderasyon sa pagpili ng kanyang iboboto. Ang pagiging matuwid naman ng kandidato ay masusukat sa kanyang takot at pag-ibig sa Diyos, na ipinakikita niya sa kanyang buhay.
-ooo-
MGA KONGRESISTANG LUMABAG SA SOCE LAW DAPAT PATALSIKIN: Sa puntong ito, basahin po natin ang ilang bahagi ng expose ni Magdama sa Messenger group na “One Righteous Vote”: “Nagaganap ngayon ang proseso ng impeachment sa Kongreso. Pero marami ang di nakakaalam na hindi bababa sa 38% ng mga kongresista sa Kamara ay di pupuwedeng gumanap sa kanilang `mga tungkulin sa pagboto sa impeachment dahil sila ay lumabag sa SOCE Law…
“Upang maumpisahan ang impeachment process, kailangan ng botong di bababa sa 1/3 na bilang ng mga nakaupong kongresista. Sino ang pupuwedeng bumoto bilang bahagi ng 1/3 na ito? Pupuwede bang bumoto ang mga lumabag sa SOCE law? Ang SOCE law ay sapilitang ipinatutupad na mula pa noong 1985, pero lahat na halos ng mga kandidato ay lagi na lang nilalabag ito sa halos tatlong dekada na ngayon…
“Maliwanag ang SOC law: maging ang mga nagsumite ng late ng kanilang mga SOCE ay di pupuwedeng gumanap sa kanilang mga tungkulin. Ang pinakahuling reglamento dito ay noon pang 2015, at sinasabi doon na di dapat tanggapin ng Comelect ang anumang SOCE na late nai-file, anuman ang dahilan. Sa 2016 elections, halos 38% ng mga nanalong kongresista ay lumabag sa SOCE…” May mga dagdag pa po ito sa susunod na isyu, God willing.
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]





