KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Kodigo Sibil at Muslim Sharia: ano ang dapat sundin?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sumagot si Solomon… `Bigyan po ninyo ako ng karunungang kailangan ko sa pamamahala at kakayahang kumilala ng mabuti sa masama. Sapagkat sino po ba ang may kakayahang maghari sa napakalaking bayang ito?’…” (1 Mga Hari 3:6, 9, Bibliya).

-ooo-

KODIGO SIBIL AT MUSLIM SHARIA: ANO ANG DAPAT SUNDIN? Puwede nga bang magpakasal muli sa ibang babae si House Speaker Pantaleon Alvarez Jr., kahit buhay at di pa nababalewala ang kanyang kasal sa kanyang unang asawa, dahil, ayon sa kanya, siya ay Muslim at kasapi siya ng isang tribong Muslim? Magandang tanong ito, lalo na kung sasagutin ito sa ilalim ng Presidential Decree No. 1083.

Ang PD 1083 ay kilala bilang “Code of Muslim Personal Laws of the Philippines” o “Sharia Law” na ipinasa noong 1977, sa panahon pa ng dating Pangulong Marcos. Mayroon kasi itong probisyon ukol sa

kasal ng isang Muslim at hindi Muslim, na maaaring katulad ng kaso ni Alvarez at ng kanyang kasalukuyang legal na asawa.

Ayon sa Art. 13, Section 2 ng PD 1083, kapag ang kasalan ay sa pagitan ng isang Muslim  at ng isang hindi Muslim, ang batas na sasakop sa kanila ay ang Kodigo Sibil ng Pilipinas, hindi ang Sharia Law. Lilitaw na ang ibig sabihin nito, ang pagbabawal ng Kodigo Sibil sa pag-aasawa ng higit sa isa ay kailangang sundin. Puwede kayang ipaliwanag ito ni Alvarez?

-ooo-

MGA TUNGKULING DAPAT GAWIN NG MGA PULIS SA R.A. 7438 (V): Sa ilalim ng Section 2 (b) ng Republic Act 7438, maliwanag ang utos doon: “If such person cannot afford the services of his own counsel, he must be provided with a competent and independent counsel by the investigating officer…”

Ang ibig sabihin nito, tungkulin ng mga pulis na bigyan ng libreng abogado ang isang inaresto nila kung hindi nito kayang kumuha ng sariling abogado. Kung hindi ito gagawin ng mga pulis, ituturing silang lumabag sa Republic Act 7438, at sila ay mapaparusahan ng pagkakakulong hanggang sampung taon, at di na sila makakapasok pa sa gobyerno magpakailanman.

Kung walang abogadong ibibigay ang mga pulis sa inaresto nila (o inimbitahan para imbestigahan, o inimbestigahan na nga), hindi pupuwedeng ipagpatuloy ang nasabing imbestigasyon, at maaari na lamang nilang ikulong ang mga naaresto sa panahong nakatakda sa ilalim ng Art. 1265 ng Revised Penal Code.

-ooo-

MGA KUWENTO UKOL SA PAGBABA NG DIYOS MULA SA LANGIT SA ANYO NG TAO (I): Ang mga pangunahing kuwento mula sa Bibliya na tumutukoy sa pagbaba ng Diyos sa lupa mula sa langit, sa anyo ng tao, may laman at dugo, ay pupuwedeng hatiin sa labing-walong bahagi sa pangkalahatan. Eto ang mga bahaging ito: pagpapahayag ng pagdating ni Jesus sa daigdig; pagdalaw ni Maria kay Elizabeth.

Kasama din dito ang pagsilang ni Jesus; paghahandog kay Jesus sa Templo; pagkakatagpo kay Jesus sa Templo; Bautismo ni Jesus sa ilog Jordan; kasalan sa Canaan; pagpapahayag ng kaharian at kapangyarihan ng Diyos; pagbabagong anyo ni Jesus, Banal na Pakikipag-isa ni Jesus sa Kanyang mga alagad.

Isama na din dito ang panalangin ni Jesus ng may pagkabagabag; pagpapahirap kay Jesus sa Templo; paglalagay ng koronang tinik sa ulo ni Jesus; pagpasan ng krus; pagpako at kamatayan ni Jesus sa krus; muling pagkabuhay; pag-akyat sa langit ni Jesus, at pagbaba ng Banal Na Espiritu. Iisa-isahin po natin ang mga kuwentong ito upang maging maliwanag ang lahat sa mga magulang na nagnanais ikuwento din ang mga ito sa kanilang mga anak!

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas. Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here