Mali si Alvarez, Umali, sa isyu ng ‘judicial power’

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Mali si Alvarez, Umali, sa isyu ng ‘judicial power’’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”][/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang lahat ay dapat magpasakop sa mga pinuno, sapagkat walang namumuno na hindi ang Diyos ang nagtatag. Ang sinumang lumalaban sa mga namumuno ay lumalaban sa itinatag ng Diyos, at dahil diyan ay tatanggap sila ng kaparusahan…” (Roma 13:1-2, Bibliya).

-ooo-

“HUWAG KAYONG MAKIALAM”—UMALI SA MGA SENADOR: “Huwag nga ninyo kaming pakialaman.”

Ganito ang lumalabas na nais ipaabot sa dalawang senador ni Oriental Mindoro Rep. Rey Umali, pinuno ng House Committee on Justice, noong Martes, Nobyembre 28, 2017, kasunod ng naglabasang ulat na nagbabala ang dalawang senador sa idudulot na krisis sa Konstitusyon kung pipilitin ng Kamara na padaluhin si Chief Justice Maria Lourdes Aranal Sereno sa impeachment hearings laban sa kanya.

Bilang sagot sa mga patutsada nina Senate Minority Leader Frank Drilon at Sen. Francis Escudero na hindi pupuwedeng pilitin nina Umali na dumalo si Sereno sa mga impeachment hearings at hindi din pupuwedeng ipaaresto ng Kamara si Sereno kung di nga ito sisipot, niliwanag ni Umali na ang kanilang mga proseso sa impeachment ay ibinigay sa kanila ng Saligang Batas mismo, at dapat nila itong sundin.

-ooo-

MGA MAMBABATAS, NAG-AAWAY NA SA SERENO CASE: Sa totoo lang, may punto si Umali na umalma sa “pakikialam” nina Drilon at Escudero sa ginagawang pagdinig ng Committee on Justice. Tunay nga namang nasa Saligang Batas naman ang kapangyarihan ng komite na pilitin ang sinuman na humarap sa mga mambabatas, at ipakulong ang sinuman na hindi tatalima sa kanilang mga utos.

Kung may nakikitang mali ang sinuman sa ginagawa nina Umali, marapat lamang na kuwestiyunin nila ng pormal ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang kaso sa Korte Suprema. Ayon sa Konstitusyon kasi at sa mga naging desisyon na ng Korte, may kapangyarihang makialam ito sa mga pagkilos ng sinumang opisyal o ahensiya ng pamahalaan.

Batay sa Section 1, Article 8 ng Saligang Batas, ginawaran ang Korte Suprema ng tinatawag na “judicial power”—o yung kapangyarihang ideklarang ilegal ang mga utos o pagkilos ng mga opisyales at ng mga tanggapan ng pamahalaan kung ang mga ito ay pang-aabuso sa kanilang mga tungkulin.

-ooo-

MALI SI ALVAREZ AT UMALI SA ISYU NG “JUDICIAL POWER”: Pero, may problema din si Umali at ang iba pang mga pinuno ng Kamara de Representantes. Samantalang hinihingi nila na pabayaan sila at igalang sa kanilang mga proseso, ayaw naman nilang igalang ang mga prosesong itinakda ng Saligang Batas ukol naman sa mga karapatan ng ibang opisyales ng pamahalaan, gaya ng Korte Suprema.

Di ba, marami-rami na ding pahayag si Umali at maging si House Speaker Bebot Alvarez na hindi dapat nakikialam ang Korte Suprema sa impeachment proceedings dahil diumano sila lamang—ang mga mambabatas lamang—ang may natatanging kapangyarihang kumilos o magpasya doon.

Ewan ko kung anong Saligang Batas ang ginagamit nina Umali at Alvarez pero maliwanag na mali ang kanilang pananaw sa bagay na ito. Gaya ng sinasabi na nating madalas, lahat na ay pupuwede ng pakialaman ng Korte Suprema dahil sa pagbibigay dito ng “judicial power”, sa ilalim ng gobyernong Cory Aquino. Dapat muna nilang baguhin ang Konstitusyon, kung nais nilang alisin ang nasabing “judicial power”.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here