Mga gawain ng mga anak ng Diyos

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]

[/av_textblock]

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Mga gawain ng mga anak ng Diyos’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”][/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kaniya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos, at sila nga’y naging mga anak ng Diyos hindi dahil sa pita ng laman o pasya ng tao, kundi sila ay isinilang mula sa Diyos…” (Juan 1:12-13, Bibliyua).

-ooo-

MGA GAWAIN NG MGA ANAK NG DIYOS: Mensahe po ito sa mga Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) sa pagtitipon nila noong Nobyembre 25, 2-17: Ngayong araw na ito, bibigyang-pansin po natin ang mga iniutos na gawain na magpapatunay na ang isang tao ay AND KNK, sa isip, salita, gawa, at hitsura.

Unahin po natin ang pagpapatunay sa isip ng isang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo.  Ano ba ang dapat iniisip ng isang tunay na Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo sa lahat ng sandali ng kanyang buhay? Ayon sa Bibliya, sa Filipos 4:8-9, dapat dalawa ang maging laging laman ng mga isip natin.

Una ay ang mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Pangalawa ay ang pagtupad, pagsunod, at pagsasagawa ng mga bagay na natutunan ng mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo—ang mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

-ooo-

ANAK NG DIYOS O ANAK NG DIYABLO? Ano ba ang mga bagay na totoo? Ano ba ang marangal? Ano ba ang matuwid? Ano ba ang malinis? Ano ba ang kaibig-ibig? Ano ba ang kagalang-galang? Sa ating mga buhay matapos tayong maging Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, iniisip na ba nating tuparin, ganapin, o sundin, ang mga natututunan natin?

O, nananatili tayong sa bunganga lamang naging Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, ngunit ang ating mga puso, isip, gawa, at hitsura, ay mga anak pa din tayo ng diyablo?

Pagkatapos ba ng mga pagtitipon, misa, pagsamba o praise and worship, pagkatapos nating ipahayag na si Jesus ang ating Diyos at Tagapagligtas at bumalik na tayo sa ating mga bahay, bumabalik din ba tayo sa mga pag-uugali nating makasalanan, tiwali, at walang galang sa mga mahal natin sa buhay?

-ooo-

DAPAT NATING TUUSIN ANG ATING MGA SARILI: Sa pakikipag-usap natin sa ating mga asawa, mga anak, at mga katulong, ipinapakita ba natin na tayo ay mga anak ng Diyos? O ang nakikita sa atin ng ating mga mahal sa buhay at ng ibang tao ay anak pa din tayo ng diyablo? Maangas pa din ba tayong magsalita sa mga kasama natin sa bahay, at sa mga kasama natin sa araw-araw na buhay?

Nananatili ba sa atin ang kaisipang tayo lamang ang magaling, at ang mga kasama natin ay puro bobo? Kailangan po nating tuusin ang mga sarili natin, kung nais nating makamtan ang tagumpay na dulot ng pagiging Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo. Alam ng  Diyos kung tunay na tayong nagpapatotoo bilang mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo.

Hindi po papayag si Kristo na ibigay sa atin ang kaginhawaan at katagumpayan sa buhay kung ang mga isip, salita, gawa at hitsura natin  ay nanatiling isip, salita, gawa at hitsura ng mga anak ng diyablo.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here