Ready to rock 2021

I HAD SEVERAL ideas about what to write in my first column for 2021. 

I wanted to start with some good news, and announce the first 2021 Peter’s Prize category.

I also wanted to set a different tone — something light and personal like the Uncommon Questions that I started last year, and which I religiously wrote until mid-May. That exercise gave me enough materials for my 2020 memoir “The (Almost) Fabulous,” which I published as a book in the US in July.

But in the end, I decided to recycle what I have posted on Facebook last week because, well, I find them important, and maybe some people can learn from them.

*

The first one is a Christmas reflection, but it can be a real classic, which is to say, “timeless.”

The second one is a year-end meditation for a New Year’s resolution, or my 2021 attitude.

They don’t need much introduction or explanation, so you can just jump right in.

*

Kung may maituturo ang COVID-19 pandemic Christmas 2020, sana ito ang mga iyon: 

1. Palagi tayong magsasabi ng “I love you” sa ating kapwa, pero lalo na sa mga pasaway na mahal natin sa buhay;

2. Palagi nating isaisip na kapag nagdadasal tayo, o nag-a-“I love u, Lord,” dapat may katumbas na mabuting gawa iyon para sa ating kapwa;

3. Hindi kailangan ang mga material na regalo para maging masaya (load lang, OK na?);

4. Hindi kailangan ang okasyon para magnoche buena ang pamilya (noche buena anytime kapag may pera na!);

5. Hindi kailangan ang special day para magsimba (at di rin kailangan ang simbahan o special place);

6. Hindi kailangan ang exchange gift (ang kaya magbigay, magbigay; ang walang maibibigay, magdasal — o maglinis ng bahay);

7. Puedeng i-postpone ang mga handaan ng selebrasyon (kung may pera na, at kung wala nang COVID);

8. Ang diwa ng Pasko ay pag-ibig, pagmamahal sa kapwa (not necessarily jowa), sana everyday na pag-ibig yan, 365 days a year (puedeng maging masungit once every four years, sa leap year!);

9. Ang diwa ng pasko ay ang pag-alala, hindi ang magarang handa. May we all remember that Great Love has been given to us (because we are so lovable); at

10. Hindi tayo kailanman iniwan, pinabayaan, o nakalimutan ng Diyos. Tayo ang nang-iwan, nagpabaya, at nakalimot. But God is so patient and loving to remind us at the end of the year. Para magiging Bagong Tao tayo sa darating na New Year.

*

SOCIAL MEDIA ETIQUETTE FOR 2021

May mga tao talaga na tatanga-tanga sa social media. ‘Yong sabat nang sabat. Comment nang comment. Bigay nang bigay ng opinion kahit hindi naman hinihingi o tinatanong. Nagmamarunong na mga bobo!

*

Hindi po ako nagpo-post ng hindi ko pinag-isipan at pinagnilayan. Fifty-two years old na po ako sa January 6 — marami nang experiences, mga kabiguan, mga napatunayan, at successes. Nagmahal din po ako, naging masaya, naviudo, namatayan, nagmahal muli.

*

Legendary din ang talino, humor, at sarcasm ko mula pagkabata. People love me or hate me for it, pero napagkaperahan ko rin kasi people read me, at interesado sila sa mga sasabihin ko. 

Stand up comedian din po ako sa Iloilo. Siempre, may mga illiterate din na ngayon lang nakarinig ng pangalan ko. Ayoko nang insultuhin sila. Kawawa naman kasi.

*

Whatever I post on my Facebook wall, non-debatable po ‘yan. Wala akong pakialam whether you agree or you don’t. 

You don’t have to agree with me, pero ‘wag kang makipagdebate sa akin sa Facebook wall ko kasi kakainin kita ng buhay, bobo ka!

*

Totoo, public ang post ko, puede kang mag-comment ng negative o contra sa sinasabi ko, pero puede ko ring ipahiya ang comment mo. At patunayan na bobo ka, tanga, at hindi nag-iisip. 

Ipapahiya kita, kasi feeling ko, gusto mo akong ipahiya, o patunayang mali. Gago ka ba? Bakit kita hahayaan sa kabobohan mo? Bakit kita bibigyan ng chance na ipahiya ako? Bastos ka!

*

Kung may sasabihin kang importante, doon ka mag-post sa wall mo! Bakit ba nakikialam ka sa post ko? Bakit kinucontra mo ang sinasabi ko? I-message mo ako, i-PM mo. Doon tayo magdebate. Gago ka ba? Akala mo hahayaan kitang correctionan mo ako in public? Sino kang bobo ka? Hindi mo ako kilala!

*

Ito ang mali sa paggamit ng social media ng mga Pinoy: Lahat na lang feeling important, feeling matalino, feeling may opinion. Hindi po totoo ‘yan. Sa tunay na buhay, may mga tao pong pinakikinggan ang opinion. Meron din pong hindi. 

Ako, mapaninindigan ko ang opinion ko sa tunay na buhay. Ang marami sa Pinoy, matapang lang online. Wala namang bayag sa tunay na buhay!

*

Kung maka-comment ang iba online, kung maka-bash ng kapwa, akala mo wagas. Pero nasaan sila in real life? Ako, ang mga importante kong opinion, nalalagay sa dyaryo (columnista po ako sa newspaper). I influence more people than you think. Kaya, uulitin ko, ‘WAG AKO!

*

Hindi po privilege na dahil may cellphone ka, puede ka na lang mag-comment ng kung ano-ano sa social media. Dapat po, may utak ka. May hinahon, may plano, may strategy. Meron ako lahat n’yan kaya hindi ako ang tipo na magde-delete ng post o mag-a-apologize publicly. Meron din po akong mga abogado kaya alam ko ang laban ko.

*

So sana, this 2021, maging magalang po tayo sa social media lalo kung hindi natin kilala ang binabangga natin. Hindi ko po gusto ang makipagtalo sa Facebook wall. Hindi po ako gago katulad ninyo. Pero paminsan-minsan, papatulan ko kayo, at titirisin publicly, para hindi po tularan ng mga angkan ninyong tanga.

*

Again, hindi po ako nagpo-post (o nagsusulat sa newspaper) para makipagdebate. I post things to make people think. Mostly, also to make people laugh. If you contradict my post, you only show that you are stupid. So I suggest you shut up before you humiliate yourself any further. 

*

If you are stupid, I don’t need you in my life! I only want people to have more fun, more smart thinking, more love, more justice, more truth without sugarcoating in 2021. Hindi po ako rude. But I can be a real badass sa mga bastos, bobo, at tanga among you. 

*

‘Wag pong magkalat sa social media, pero lalo na sa wall ko. If you have the right to be stupid, I have the right to call you stupid!

Kung disagree ka sa post ko (or sa opinion ko), just go to hell. Hindi ko kailangan ang opinion mo. Product ng deep thoughts ang mga posts ko, hindi ko babaguhin ang opinion ko para lang sa tanga at bobong katulad mo!

*

Welcome to the third decade of the third millennium! Let’s rock 2021! Salamat po./PN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here