Sina Garin, Noynoy, et. al. ang dapat sisisihin sa Dengvaxia

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’Sina Garin, Noynoy, et. al. ang dapat sisisihin sa Dengvaxia’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
February 8, 2018
[/av_textblock]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 8:32, Bibliya).

-ooo-

SINO BA ANG NAG-UMPISA NG GULO SA DENGVAXIA? Mukhang malalim ang nais tunguhin ng mga pahayag ni dating Health Secretary Janet Garin na diumano ay ginagamit ng ilang sektor ang mga magulang ng 830,000 mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia upang magkaroon ng gulo sa bansa.

Sino kayang sektor ang tinutukoy dito ni Garin? Mga nasa gobyernong Duterte? O yung mga nasa oposisyon, partikular ang Liberal Party? At anong gulo kaya ang nais likhain ng mga taong sinasabi ni Garin na nagsusulong ng panic sa mga magulang ng 830,000 mga batang nabakunahan ng Dengvaxia?

Gulo ba upang mapatalsik si Pangulong Duterte at mapalitan na siya ni Vice President Leni Robredo, ang pinuno ngayon ng Liberal Party, o gulo upang tiyaking hindi na muling makakabangon pa sa pulitika ang mga lumalaban ngayon sa Pangulo? At, ang ibig bang sabihin ni Garin, dapat eh hindi magkakagulo ang mga magulang kahit na nakalagay ngayon sa bingit ng kamatayan ang kanilang mga anak? Sino baa ng nag-umpisa ng gulong ito sa Dengvaxia?

-ooo-

SINA GARIN, NOYNOY, ET. AL. ANG DAPAT SISIHIN SA GULO SA DENGVAXIA: Sa totoo lang, kung may gulo man, o nagpapanic man, sa hanay ng mga magulang ng mga kawawang bata na nabakunahan ng sapilitan ng Dengvaxia gayong ito ay hindi pa kumpirmadong mabisa, walang ibang dapat sisisihin dito kundi si Garin mismo at ang kanyang amo noon, si Noynoy Aquino.

Isama na din sa dapat sisihin sa gulong ito ang iba pang opisyales noon ng gobyernong Noynoy na maliwanag na tumulong upang mailabas ang halos P3.5 bilyong pondo ng gobyernong bilang pambayad sa Sanofi, ang gumawa ng Dengvaxia, gaya ni dating Budget Secretary Butch Abad.

Kung hindi sana nila ipinagpilitan ang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga batang mag-aaral, wala sanang pagkakagulong nagaganap ngayon. Kung naghintay lamang sana sina Garin, Noynoy at Abad na mapag-aralan munang mabuti ang tunay na epekto ng Dengvaxia, hindi sana nakalagay sa bingit ng kamatayan ang mga batang mag-aaral.

-ooo-

BAKIT BA NAGMADALI SINA NOYNOY, GARIN, ET. AL. SA PAGGAMIT NG DENGVAXIA? Ang tanong nga ng marami ngayon ay simple lang: bakit nagmadali sina Garin, Noynoy, at Abad na gamitin ang Dengvaxia bagamat wala pang katiyakang ligtas itong gamitin sa ating mga kabataan? Ano ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi na nila hinayaang ang susunod na gobyernong na lamang ng Pangulong Duterte ang magpapasya sa Dengvaxia?

Hindi maiiwasan tuloy na mag-isip ang marami kung ano ang naging dahilan ng ganitong mga pagkilos noon nina Garin. Mapipigilan ba ngayon ang ating mga kababayan na mag-isip na nagkaroon ng malaking biyaya sina Garin, Noynoy, at Abad, sa kanilang mabilisang pasya pabor sa Dengvaxia?

At mapipigilan din ba ang maraming Pilipino na mag-isip na may kinalaman ang noon ay paparating na presidential elections sa paggamit ng Dengvaxia? Siyempre pa, mahirap ng malaman natin ngayon kung ano ang nasa likod ng mga pagkilos na ito nina Garin, Noynoy, at Abad. Pero, iisa lang ang tiyak ko: ang Diyos ang siyang nakakaalam ng lahat, kasama na kung parurusahan ba sina Garin ukol dito.

-ooo-

PARA SA MGA TANONG, REAKSIYON: Kung mayroon pong gustong magtanong sa akin sa mga bagay na tinalakay dito o sa ibang isyu, o magsangguni ng kanilang mga problema, anuman ang problemang iyon, tawag po kayo sa 0917 984 24 68, o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com o mag-post sa www.facebook.com/attybatas.  Promise, sasagot po agad ako. Salamat sa Diyos sa Ngalan Ni Jesus, Amen!/PB
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here