
[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=’30’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Friday, October 6, 2017
[/av_textblock]
[av_textblock size=’18’ font_color=” color=”]
Isyu ng jurisdiction sa P6.4 B shabu smuggling sa BOC
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Alam ng matalino kung may panganib at siya’y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya’y napapahamak…” (Kawikaan 27:12, Bibliya).
-ooo-
ISYU NG JURISDICTION SA P6.4 BILYONG SHABU SMUGGLING SA CUSTOMS: Sino nga ba ang may karapatang magsagawa ng preliminary investigation—o yung paunang imbestigasyon upang alamin kung may krimen ngang naganap at kung sino ang posibleng may kagagawan nito—laban sa mga opisyales at mga kawani ng pamahalaan na nahaharap sa mga kasong kriminal?
Sa pagdinig sa Department of Justice (DOJ) ng P6.4 bilyong smuggling ng shabu mula sa Bureau of Customs (BOC) kung saan ang pangunahing sangkot ay si dating Customs Commissioner Nick Faeldon noong Huwebes, Oktubre 05, 2017, binuhay ni Faeldon ang isyu—ang DOJ ba o ang Ombudsman ang may karapatang mag-imbestiga sa kanya at sa mga nakaluklok sa gobyerno?
Ayon kasi sa dating Customs chief, ang Ombudsman ang dapat na mag-iimbestiga sa kanya at hindi ang DOJ, kasi bilang pinuno ng BOC noon, siya ay may salary grade (o ranggo sa suweldo) na “30.” Sabi niya, ang lahat ng opisyales ng gobyerno na may salary grade na “30” ay nasa ilalim ng jurisdiction ng Ombudsman. Isinasandal ni Faeldon ang kanyang argumentng ito sa mga batas na naglalang ng Ombudsman at ng Sandiganbayan.
-ooo-
ANO ANG NILALAMAN NG BATAS SA OMBUDSMAN SA IMBESTIGASYON NG MGA TAGA-GOBYERNO? Upang maunawaan natin ang isyung ito, ilalabas ko po ang sinasabi ng Ombudsman Act of 1989 (o Republic Act 6770), at maging ng Republic Act 8249 ukol naman sa Sandiganbayan. Batay sa Ombudsman Act of 1989, maliwanag na ang Ombudsman ang binibigyan ng pangunahing karapatang mag-imbestiga sa mga kasong kriminal na nasasakupan ng Sandiganbayan.
Sa kabilang dako, ayon naman sa Republic Act 8249, ang Sandiganbayan ang may karapatang lumitis sa mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng mga opisyales at mga kawani ng ehekutibo, kung ang mga nasasangkot na opisyales at kawaning ay may salary grade na “27” o pataas.
Kung ganooon, kung ito lamang mga batas na ito ang isasaalang-alang sa P6.4 bilyong shabu smuggling case laban kay Faeldon, maliwanag na wala ngang karapatan ang DOJ na mag-imbestiga sa kaso laban sa kanya dahil sa ang kanyang salary grade ay “30”, at dapat lamang itong ilipat sa Ombudsman upang ito dapat ang magsasagawa ng preliminary investigation.
-ooo-
RA 9165 NAGTATAKDA NG PAGLILITIS SA DROGA SA RTC: Ang problema lang ni Faeldon, may batas sa ngayon na eksaktong nakakasakop sa mga kasong kriminal kaugnay sa kaso ng shabu o ng iba pang illegal na droga. Ito ay ang Republic Act 9165, at komo ito ay batas na mas nakakasakop sa mga ilegal na droga, ito ang mamamayani sa anumang kasong may kinalaman sa droga, pati na sa mga isasampang kasong kriminal.
Ganito ang sinasabi ng Section 90, Article XI ng RA 9165 na akin ng isinalin sa wikang Pilipino: “Magtatakda ang Korte Suprema ng mga espesyal na hukuman mula sa mga kasalukuyang Regional Trial Courts (RTC) sa bawat rehiyon ng bansa na siyang lilitis sa mga paglabag sa batas na ito…” Maliwanag, itinatakda ng RA 9165 na mga regular na RTC, at hindi ang Sandiganbayan, ang lilitis sa mga kaso ng droga.
Dahil dito, maliwanag din na ang mga regular na piskal o prosecutors mula sa DOJ, na siyang naka-assign sa mga RTC, ang may karapatang umusig sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga. At dahil ang mga regular na piskal o prosecutors mula sa DOJ ang siyang uusig sa mga kaso ng droga, sila din sa DOJ ang may karapatang magsagawa ng preliminary investigation ng kaso.
-ooo-
PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon. Telepono: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com./PB
(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]
[/av_one_full]





