KAKAMPI MO ANG BATAS

[av_one_full first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_heading heading=’KAKAMPI MO ANG BATAS ‘ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ni Atty. Batas Mauricio
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Mga pinagkaitan ng kaligtasan

INSPIRASYON SA BUHAY: “…`Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man’…” (ang Panginoong Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Mateo 13:13, Bibliya).

-ooo-

MGA PINAGKAITAN NG KALIGTASAN: Matindi po ang ating Inspirasyon sa Buhay ngayong araw na ito, sapagkat lumilitaw na mayroon palang mga tao na noong una pa man ay talagang itinakda na ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, na hindi maliligtas.

Kung isasaalang-alang din natin ang iba pang bahagi ng Mateo 13, niliwanag ni Jesus na Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng talinghaga dahil ginusto Niya talagang itago, sa mga taong itinakda sa sumpa ng impiyerno, ang mga Salita ng kaligtasan.

Maliwanag dito na may mga taong pinagkaitan ng kaunawaan sa katotohanang Siya, si Jesus, ang Diyos at Tagapagligtas, na siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ito ang mga taong ayaw tumanggap at sumampalataya sa kanya na Siya ang Diyos at Tagapagligtas, na ang hahantungan ay ang impiyerno ng uod at apoy na walang hanggan.

-ooo-

PAG-ASA SA MGA NAIPAGKASUNDO NA SA APOY NG IMPIYERNO: Magkaganunman, sa kagandahang-loob ni Jesus, niliwanag Niya sa Juan 17 na may pag-asa pa ang mga taong bulag at bingi. Maaari pa din silang maligtas, sa isang kondisyon. Ano ang kondisyon?

Kung sila ay tatanggap at sasampalataya sa Kanya bilang Diyos at Tagapagligtas. Makikita po ito sa Juan 3:16, Juan  17:20, Juan 8, at Isaias 7, Isaias 9, Mateo 1, Lucas 1, at Juan 1.Papaano maaakay ang mga taong nauna ng binulag at naging bingi sa pananampalataya?

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pinili ng Diyos bago pa man lalangin ang sanlibutan, at isinugo ni Jesus—ang mga kasapi ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, ang mga Kadugo.

-ooo-

AND KNK: GAGANAP SA PAGLILIGTAS NG KALULUWA: Lumilitaw na tanging ang mga Kadugo, o ang mga Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo, ang may kapangyarihang tuparin ang pagpapahayag na ito sa mga bulag at mga bingi. Dahil diyan, tunay na mahalaga ang Simbahang Anak ng Diyos Kadugo ni Kristo (AND KNK).

Ito ay bunga ng katotohanang ang AND KNK ang Simbahang itinatag ng Diyos sa Pilipinas upang ganapin ang kanyang gawain sa huling kapanahunan—ang gawain ng pagpapahayag at pagliligtas, batay sa katotohanang si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, na siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Kung pag-aaralang mabuti ang Bibliya, makikita po natin ang bagsik ng pahayag na ito ni Jesus ukol sa mga bulag at bingi, sapagkat inulit din ito  sa sampung iba pang mga bersikulo—Isaias 6:9, Isaias 29:10, Ezekiel 12:2, Marcos 4:12, Lucas 8:10, Juan 12:40, Gawa 28:26, Roma 11:8, 2 Corinto 3:14, at Pahayag 22:18. Ang lahat ng mga bersikulong ito ay nagpapatunay na marami ang bulag at bingi sa mundo. Marami ang tunay na pinagkaitan ng kaligtasan.

-ooo-

PANOORIN, “ANG TANGING DAAN” SA FACEBOOK: Ang “Ang Tanging Daan” ay isang Bible study at prayer session, at ito ay mapapanood na ng 24 oras, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan. Puntahan po ang mga videos doon./PB

(Sa mga katanungan, tumawag lang sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058 o mag-email sa batasmauricio@yahoo.com.)
[/av_textblock]

[/av_one_full]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here