UPMG, Nanawagan ng Dialogue sa LTFRB Kaugnay ng Paglilipat ng CPC Notices sa Digital Platforms

MANIFESTO
UPMG UNITED PRINT & MULTIMEDIA GROUP PHILIPPINES

Ang samahan ng UNITED PRINT AND MULTIMEDIA GROUP (UPMG Phils) ay nais magpahayag ng isang saloobin at opinion tungkol sa binalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan ang paglathala sa pahayagan ng aplikasyon at abiso ng pagdinig bilang requirement sa pag-isyu ng Cerfiticate of Public Convenience (CPC).

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza na ang hakbang na ito ay isang bahagi ng utos ng Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. na para maging mabilis ang lahat ng transaksyon sa LTFRB.

Ang desisyon na nasabi ay nakasaad din sa isang memorandum circular na nilagdaan ni Chairman Mendoza at lahat ng miyembro ng ahensiya na ayon sa LTFRB ay naaayon sa RA No. 11032 o ang tinatawag na Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Binigyan diin ng LTFRB na sapat na ang paggamit ng mga digital platforms para sa mas mabilis, mas malawak, at mas madaling pag-access ng impormasyon. Ang mga abiso ay ilalagay na lamang sa opisyal na website ng LTFRB sa ilalim ng “CPC Applications Bulletin” at sa opisyal na social media pages ng Central Office at Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs), kabilang rin ang mga verified Facebook pages.

Sang-ayon kami sa mga sumusunod na layunin ng pamahalaan sa ilalim ng LTFRB na dapat ay maging mabilis ang serbisyo na ibibigay sa mga mamamayan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng publiko.

Subalit nakalimutan ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang aming samahan na magkaron ng isang pagdinig upang malaman ang mga hinaing ng mga publishers kasama na ang mga empleyado na mawawalan ng trabaho kapag natupad ang nasabing pag-aalis ng print media para sa publikasyon ng notices sa CPC.

Humihingi rin ang aming hanay ng isang open discussion kasama ang LTFRB, Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Office (LTO), upang mapagusapan ang aming hinaing tungkol sa issue na ito.

Maraming Salamat. Mabuhay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here