
Isang simpleng pagbili ng Scratchlt ticket sa SM City Calamba ang nagdala ng malaking biyaya kay Allan Nikko, 31, residente ng Barangay Lamesa, Calamba, matapos niyang manalo ng P200,000 mula sa Go Bananas ticket noong Hunyo 7, 2025.
Ayon kay Allan Nikko, na nagtatrabaho bilang warehouse checker, hindi siya madalas bumili ng Scratchlt.
“Hindi po palagi,” aniya, sabay ngiti. Pero ngayong pagkakataon, tila naka-tsamba siya, at dumating ito sa pinaka tamang panahon.
“Masaya po. Sakto pong buntis si misis, panggastos po sa ospital,” ani Allan Nikko. Balak niyang gamitin ang napanalunang pera para sa panganganak at mga gastusin sa ospital ng kanyang asawa.
Sa tanong kung anong mensahe ang maibibigay niya sa mga nagnanais ding sumubok ng Scratchlt, sagot niya: “Wag susuko.”
At para sa Scratchlt? “Maraming salamat po. Sana madami pa po kayong matulungan.”
Mukhang hindi lang saging ang pinagpala, pati si tatay mula Calamba, jackpot sa swerte ngayong buwan ng Hunyo.